(Play the background music while reading para mas damang dama) Chapter 39 "Kelvin nagiging chinito kana.. Huwag kanang umiyak please?" Niyakap niya ng mahigpit ang kanyang asawa. Kakagising lang niya ng makita niya itong mag isa lamang sa likod ng bahay na iyon habang nakaupo ito sa isang duyan tila malalim ang iniisip nito. Napapaligiran parin ng mga bulaklak ang buong bahay na iyon. Malapit din ito sa tabing dagat. "G-Good morning babe.." Pinunasan nito ang luha sa pisngi nito. "Kelvin ipangako mo sakin hindi ka iiyak kapag umalis nako bukas.." Napakagat labi ito at hindi mapigilan mapaluha muli. "I-I can't promise you babe.." Niyakap din siya nito ng mahigpit. "Isipin nalang natin na isa lang itong magandang panaginip." Aniya habang tumutulo na din ang kanyang luha. Ilan