Kabanata 43 HINDI makatulog si Odette. Hindi siya komportable na may lalaki siyang kasama tapos ay matutulog siya. Pumikit lang siya kunwari pero hindi niya kayang magtiwala nang husto. Baka siya pakialaman ni Helios. Tumingin siya sa binata na nagbabasa ng diyaryo sa sofa pero nagulat siya dahil tulog na ito at humihilik pa nang mahina. Ang diyaryo nitong hawak ay nasa tyan nakapatong. Napangiti siya. Ano ba ang iniisip niya? Helios is totally harmless. She had proven that so many times. Parati silang napag-iisa na dalawa pero hindi naman siya nito pinagsamantahan. Ngayon pa ba niya iisipin na may gagawin itong hindi maganda sa kanya? Bumaba siya sa higaan para masigurong tulog ito. Lumapit siya at sinipat ito na husto. His shirt was pulled to the other side. Napakunot noo siya sa d