Kabanata 58.1 “PAPA!” pumalahaw ng iyak si Ammiry kaya agad na napatingin si Helios sa anak. Palinga-linga iyon sa paligid at takot na takot. “HELIOS!” umiiyak na sigaw ni Odette sa banyo kaya lumingon ulit siya. Fuck. “Helios! Di ako makalabas!” Odette cried and coughed, “Tulong! Sunog!” Napupuno ng usok ang buong kabahayan. Agad niyang tinakbo ang pintuan bago pa iyon matupok ng apoy. He immediately opened it. Nagimbal siya sa kanyang nakita. Ang palibot ng bahay at maliit na bakuran papalabas ng gate ay umaapoy. Wala silang dadaanan. May mga tao na sa labas na nagsipaglabasan. Ang karatig bahay ay nasusunog na rin. Agad niyang tinakbo ang anak niya at saka niya ito kinarga. Dala niya ang mga kumot para ipang balot niya rito tapos ay tumakbo siya sa may banyo. “Heli…” nasundan a