Kabanata 58.2 LULAN ng sasakyan papunta sa mansyon ng mga Cervantes, hindi magawa ni Odette na bumitaw sa mga braso ni Helios. Yakap niya ito. Anong klaseng trauma na naman ba ang tumama sa kanya? Kakaaksidente pa lang ng anak niya. Halos hindi pa nga ito nakakapag-umpisa ng therapy nito sa doktor, tapos ay nasunugan na naman sila. Kahit na si Aling Tasya na napakabait naman ay nadamay pa, at ang ibang boarders na isang pamilya rin sa kabilang paupahan. Wala pa naman anak ang mag-asawa roon pero nakaka-trauma pa rin. Hindi mawala sa isip niya ang eksena kanina kung saan nasarhan ng kahoy si Helios sa loob ng bahay. Akala niya ay hindi na ito makakalabas. She was so terrified. Lalo niyang niyakap ang braso nito. Mahal na mahal sila ni Helios. Lahat ng kumot ay ibinalot nito sa kanila ni