LAURA POV
HINILA ako ni Lola at hinintay na dumating ang dalawang lalaki sa harap namin. Halos lahat ng nakatambay sa harap ng bahay namin ay napapatingin doon sa dalawa.
Bakit kasi naka—americana sila?
Ayos lang ba sila?
Napatingin ako sa sikat ng araw, ang init.
Hello, summer. April.
“Aling Carmen, kumusta po?”
Nagulat ako nang magsalita siya ng tagalog. Akala ko ay englishero sila.
“Garvin and Gavin, kayo nga! Kumusta kayong dalawa. Matagal na rin ng huling kita namin sa inyo, bata pa itong si Laura.” Napatingin sa akin si Lola.
Nakita ko ang pagtingin nila sa aking dalawa. Namilog ang mga mata ko nang makita ang mukha nilang malapitan.
Magkamukha mga silang dalawa katulad ng sinabi ni Tonton.
Gusto kong kaltukan ang sarili ko, kambal nga, ʼdi ba, Laura?
“Magandang umaga po, aling Carmen! Matagal na rin ng huling kita ko sa inyo at maging kay Mang Anton. Ganito pa ang nangyari sa muli nating pagkikita.” Nakita kong naging malungkot ang isa, hindi ko pa alam kung sino si Garvin or Gavin sa kanilang dalawa, magkamukha kasi talaga sila.
Napatingin silang dalawa sa akin kaya ngumiti ako sa kanila nang malaki kahit hindi ko alam kung kaano—ano namin silang dalawa. Wala naman kaming kamag—anak sa Manila, wala talaga.
“Kaya nga. Bata pa ng huling kita ninyo kay Laura, mga dalawang taong gulang, ʼdi ba? Oo nga pala, Laura, apo. Sila ay sina Garvin and Gavin Lazaro, kambal sila halata naman sa mukha. Ang pagkakaiba lamang nila ay mas matangkad itong si Garvin kaysa kay Gavin at iyong nunal nila sa kanilang mukha, maraming nunal itong si Garvin, si Gavin naman ay wala. Iyon ang palatandaan ko sa kanilang dalawa, apo, lalo na rin ang Papa at Mama mo,” paliwanag sa akin ni Lola.
Tinignan ko ang kanilang mukha, visible nga ang nunal nuʼng Garvin at maamo ang mukha niya kaysa sa kakambal niyang parang takas sa kulungan.
Teka, judger yata ako.
Pa—simple akong tumingin sa pagitan ng kanilang hita. Napalunok ako ng may makitang bumubukol doon.
Shet, mukhang malaki ang tarugo nitong si Garvin.
Sabi nga nila kung matangkad ka, mahaba rin daw ang tinatago sa pagitan ng kanyang hita.
“Naku po, Aling Carmen. May dagdag na po para makilala niyo kaming dalawa. Hetong si Gavin ay maraming tattoo sa kanyang katawan, ako, ni—isa ay wala. Takot sa pain mula sa karayom.”
Tattoo? Ay, ayoko ng tattoo. Auto hard pass. Dito ako kay Garvin, para siyang katulad ko, maamo pero paniguradong wild.
“Ay, ganoon ba? Oh, siya doon na lang tayo sa loob mag—usap. Ang dami ng nakatingin at para makita niyo na rin sina Juanito at Lara,” mahinang sabi ni Lola at lumakad kami papasok sa bahay.
“Ate Laura, mayaman kayo, ano? Nililihim niyo lang?” mahinang sabi ni Tonton ng dumaan kami sa gilid niya.
“Malay ko.” Sumagot naman ako.
Pumasok kami sa loob at pinaupo sila nina Loloʼt Lola sa sofa namin. “Kumusta ang byahe? Marami bang pasahero? Alam niyo na summer ngayon at ang daming nagbabakasyon, katatapos lang din ng Mahal na Araw rito...” mahinang sabi ni Lolo at binigyan sila ng juice and tinapay.
“Maayos naman po ang byahe namin, Mang Anton. Hindi naman po marami dahil madaling araw kami umalis nang malaman naming namatay sina kuya Juanito and ate Lara. Nang mabasa namin iyong mga condolences sa social media nila, nagtanong kami kay kuya Anthony kung totoo ang mga iyon. Kaya nang sabihin niyang totoo, nagpasya kaming pumunta agad rito para makatulong sa lamay nila.”
“Aling Carmen, Mang Anton, pinapaabot ng parents namin. Nakikiramay po sila. Hindi sila makapupunta dahil busy sila sa Manila.” May inabot na brown na envelope kay Lola, makapal.
“Naku, Gavin, huwag na. Sapat na iyong pumunta kayo rito. Nakakahiya naman sa parents ninyo.”
“Aling Carmen, para po talaga rito.” Pinilit na binigay nuʼng maraming tattoo ang brown envelope.
“Maraming salamat, Garvin and Gavin, maging sa parents niyo. Paniguradong masaya sina Juanito and Lara kapag nalaman nilang nandito kayo kasi hindi niyo sila kinalimutan.” Napatingin sa akin si Lola at binigay iyon. “Apo, ikaw na ang magtago nito.” sabi niya sa akin.
Nahawakan ko ang brown envelope, sobrang kapal nga.
“T—thank you po. P—pero, sino po ba sila, Loloʼt Lola? K—kamag-anak po ba natin sila?” tanong ko sa kanila at tinuro ang dalawang lalaking nasa harapan namin.
Sana hindi namin sila kamag—anak. Type ko na itong si Garvin.
“Apo, hindi mo na kasi naaalala. Masyadong bata ka pa noong huling punta nila rito. Sila ang mga ninong mong nasa Manila. Sila iyong nagbibigay ng malalaking gift kapag birthday and Christmas, sa kanila galing iyon.” Nakangiting sabi ni Lola at tinuro ang dalawa sa harapan ko.
“S—sila po?” Nanlalaki ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwala kasi palagi akong nagbubukas nang malalaking regalo at hindi lang iyon, marami pa kaya naiinggit si Diane sa akin, ang pinsan ko. “S—sa inyo po galing ang mga iyon. S—salamat po.” sabi ko sa kanila.
Ninong ko sila.
Lalo tuloy akong na—excite nang malamang Ninong ko ang unang magiging crush ko talaga.
Manghingi kaya ako ng aginaldo, pero t***d na ang gusto kong makuha mula kay ninong Garvin. Ibibigay kaya niya?
“Yes, sa amin. Walang anuman, iha.” Nakangiting sabi ni ninong Garvin.
“Sana nagustuhan mo ang regalo namin,” saad din ng kakambal niya, si Ninong Gavin.
“Gustong—gusto ko po! Pero, kung ninong ko po kayo, ibig bang sabihin, kaibigan kayo ni Papa? Ka—trabaho po niya kayo?” sunod—sunod kong tanong.
“Pasensya na sa apo namin, Garvin and Gavin. Mausisa kasi ang isang ito.” Napanguso ako sa sinabi ni Lolo.
“Wala po iyon, Mang Anton.” Napatingin muli siya sa akin. “Ah, ano, inaanak. Kaibigan nga kami ni kuya Juanito. Ako si Garvin Lazaro, at heto ang twin brother kong si Gavin Lazaro. Nakilala namin si kuya Juanito out of nowhere.”
Nangunot ang noo ko. “Out of nowhere? Ano pong ibig niyong sabihin?”
“21 years ago, nagkaroon ng insidente sa barko, nagkaroon ng sunog pero hindi kami marunong lumangoy si Gavin. Natulala na rin kami at hindi namin alam kung anong gagawin namin. Iyong barko na iyon ay paluwas ng Lucena galing kami rito dahil nagbakasyon kami. Kasama namin ang parents namin pero nahiwalay kami dahil nagkakagulo na. Nasa gitna kami habang unti—unti na lumalago ang sunog sa loob. Doon ay nakita kami ni kuya Juanito. Hinila niya kaming dalawa ni Gavin at pinasuot sa amin ang life vest nilang dalawa ni ate Lara. Natakot kami para sa kanila pero sinabi nilang marunong silang lumangoy. Hinatak nila kami at tumalon sa nasusunog na barko. Nakaligtas kami dahil sa parents mo, Inaanak. Kaya naging kaibigan namin silang dalawa hanggang nalaman naming buntis pala si ate Lara sa iyo at nag—volunteer kaming maging ninong mo na dalawa. Simula noon ay naging utang na loob namin sa kanila kaya buhay kami. Simula rin noon ay nag—aral kaming lumangoy ni Gavin hanggang nag—compete kami sa swimming at nakapagpatayo ng sarili naming business na construction Company.” mahabang sabi niya at hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.
“Sobrang selfless ng parents ko.” Biglang lumabas iyon sa bibig ko.
“Sobrang selfless nila. Kaya wala kaming antubili na pumunta rito para makita sila. Hanggang kamatayan ay magkasama pa rin silang dalawa.” Tumayo si Ninong Garvin at lumapit sa kabaong nina Mama at Papa, sumunod din si Ninong Gavin.
Nakita ko ang kanilang likod, magkasing—katawan silang dalawa, pero mas lamang sa akin si Ninong Garvin. Gusto kong humingi ng aginaldo habang nandito siya, hindi nga lang pera dahil siya ang gusto ko.
Rawr!
Second night, dumadami ang mga pumunta para makiramay. Nagpadasal na muna kami at katabi ko ngayon si Ninong Garvin, pilit kong dinidikit ang balat ko sa kanya, pero kusa siyang lumalayo.
Tsk!
“Mama, Papa, baka naman pʼwedeng maging kami ni Ninong Garvin? Close niyo na siya at kilala na rin, for sure na hindi niya ako sasaktan, ʼdi ba? At least, safe na ako sa mga ibang boys na gustong kumuha sa akin dahil maganda ako. Baka naman. Pakibulungan siya.” kausap ko sa aking sarili habang nakatingin sa kabaong nila.
“Laura, apo, ikaw na.”
May bumulong sa akin kaya malakas akong sumagot. “Amen!”
“Apo, Aba Ginoo...”
Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa paligid. “Ame—Aba Ginoong Maria, napupuno ka...”
Lintik. Muntik pa akong mapahiya.
Laura, focus muna tayo sa padasal at huwag muna sa katabi natin. Mamaya na tayo magpapapansin kay Ninong Garvin.
Mamaya na.