LAURA POV “GOOD morning po,” nakangiting bati ko nang makita ko sina Lola at tita Josephine na nag—uusap ngayon. Sabay silang napalingon sa akin. “Good morning too, iha! Do you want biko? Halos naubos ko na ang isang bilao.” Nakangiting sabi ni tita Josephine sa akin at pinakita ang kanyang platito na halos maubos na iyon. “Okay lang po, tita Josephine. Halos naka—one fourth din po ako kahapon,” natatawang sabi ko sa kanya. “Masarap naman kasi talaga. Cheat day ko muna, I mean, buong week. Sa January 2 na lang ako muli mag—da—diet,” natatawang sabi ni tita Josephine sa akin. “Apo, bakit ka pala nandito? Nagugutom ka na ba? May pagkain ng niluto si Nancy, masarap. Niluto na rin namin iyong danggit. Iyong mga pinsan mo ba ay gising na?” sunod—sunod na tanong ni Lola sa akin. “Gising n

