LAURA POV KINABUKASAN, maaga pa lang ay nagising na ako dahil sa ingay ng boses ni Diane. Naupo ako sa kama at tinignan si Diane na nakahiga sa may sahig, may kutson naman siya. “Babe, nag—promise ka, right? Hihintayin kita—” Napatigil siya sa pagsasalita nang makita niya akong nakatingin sa kanya. “Sorry,” buka ng kanyang bibig habang nakatingin sa akin. Tumango na lang ako sa kanya at tumayo na sa kama. Hindi na rin naman na ako makatutulog dahil gising na ang diwa ko at naalala kong bisperas na ng pasko! Lumakad na ako diretso sa bathroom, ni—lock ko ang pinto ng walk—in closet para hindi makapasok si Diane, bigla ba namang nagbubukas ang isang iyon na hindi kumakatok. Naghubad na ako ng aking damit at tumapat na rin sa shower, gusto ko agad ay fresh ako pagkababa ko lalo naʼt ma

