LAURA POV TINIGNAN ko na lang sila at sinenyasan na sumama sa akin. “Tara na, dadalhin ko na kayo sa room ninyo,” sabi ko sa kanilang dalawa. Mukhang pagod na rin ang dalawang ito, kita naman sa kanilang mga mata na namumungay na. Madaling araw pa naman sila umalis tapos tanghali na sila nang dumating. Sumama sila sa akin na umakyat sa second floor. Kumaliwa kami at nilagpasan ko ang room ko. “Kaninong room iyong first door?” tanong ni Dennise sa akin. “Room ko. Paniguradong makiki—room si Diane sa akin habang nandito kayo. Kaya inaayos ko na rin ang room ko para may higaan siya,” sabi ko sa kanila. “Si Diane ba kailangan pupunta?” Napahinto na ako sa pangatlong pinto na malapit sa library room. “Heto ang room ninyo.” dagdag na sabi ko sa kanila. “Today raw siya, ate Laura! Pumunta

