LAURA POV NAKAUWI na rin kami sa bahay before mag—three ng hapon, lalo kasing dumadami ang mga tao sa loob, umiinit na rin at sobrang ingay na kaya nagpasya kaming umuwi dahil hindi na rin komportable sina Loloʼt Lola, inaantok na rin sila. Nang makapasok ako sa loob ng bahay, nagulat ako nang may humila agad sa akin at nakita ko si Diane. Hinawakan niya ang aking kanang pulsuhan at dinala sa kʼwarto ko, nakita kong ni—lock niya ang pinto. “Anong problema mo na naman, Diane? Bigla—bigla kang nanghihila, ha?” asik ko sa kanya at tinignan sa kanyang mukha. “Hey, baka nakalilimutan ko ang sinabi mo kanina, ha? Sasabihin mo sa akin pag—uwi ang tungkol sa inyo ng Ninongs mo, ʼdi ba? Kaya hinatak kita agad dito para sabihin mo sa akin ang totoo. So, paanong naging kayo at bakit hindi mo agad

