LAURA POV ANG bilis ng araw dahil hindi ko inaasahan na bukas ay pabalik na kami sa Manila. Hindi na kasi kami pʼwedeng magtagal lalo naʼt may business din sina Ninong Garvin and Ninong Gavin sa Manila at magkakaroon ng party sa buong angkan nila, kasama ako dahil gusto nilang ipakilala na nila ako sa ibang Lazaro na angkan nila. Excited na akong maipakilala nila sa iba. Gusto ko na rin kasing maging legal sa kanilang side, sa buong pamilya ng Lazaro. “Talaga bang kasama ako sa November 8, Ninongs?” tanong ko sa kanila. “Of course, baby. Ipapakilala ka na namin sa buong angkan namin. Sinabihan na rin namin sina mom and dads about this. Kaya huwag kang kakabahan sa araw na iyon, ha?” sabi niya sa akin at hinalikan ako sa aking labi. “Really? Gagawin ko ang lahat para hindi kabahan s

