LAURA POV NAGING mabilis ang panahon, hindi ko namalayang three years old na ang kambal kong anak. Pabalik—balik na rin kami sa Marinduque at naipakilala ko na rin silang dalawa kina Mama at Papa. Hindi pa sila nagsasalita kaya ngayong taon ay pupunta muli kami sa Marinduque lalo naʼt madàldāl na ang dalawang ito. Madaldal at makulit. “Mommy! Play po kami?” Kinalabit ako ni Grandi at ang kanyang mukha ay nakangiti sa akin habang nakahawak pa rin sa aking dulo ng suot kong damit. “Play? Sa playpen ninyo?” tanong ko sa kanya. Umiling siya sa akin. “Hindi po, mommy. Sa outside po? Play po kami ni Gideon sa slides po? Asama naman po namin sina ate Wegine and ate Belen po, mommy! Sige na!” malakas niyang sabi sa akin at hinila—hila pa niya Ng aking damit. “Donʼt pull my shirt, Grandi.” sa
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


