LAURA POV NANG matapos ang aming breakfast ay lumipat muli kami sa living room, bubuksan na nina Gideon and Grandi ang mga gifts nila kaya isa—isa binaba nina daddy Garvin and daddy Gavin ang mga gifts na nasa entertainment room. “Look, our apo, ang dami ninyong gifts! Paniguradong matutuwa kayo sa mga iyan lalo na sa gifts namin sa inyo!” Nakangiting sabi ni mommy Josephine. Pinaupo na silang dalawa sa kanilang baby chair, naka—seat belt sila para hindi masubsob. Nang mailagay lahat ng mga gifts ay nag—presenta na si mommy Josephine na unahin ang kanila. Dalawang malaking box ang nasa harapan namin. Kaya hinawakan namin ang mga kamay ng kambal ay tinulungan silang sirain ang gilid nito at sina daddy Garvin and daddy Gavin na ang bahala sa buo hanggang makita namin ang loob nuʼn. “Wo

