LAURA POV NAGISING ako sa hindi ko usual na gising. Napabangon ako at nakita ko ang orasan sa side table, nakita kong alas—singko pa lang ng umaga. “Madaling araw pa lang?” kausap ko sa aking sarili habang tulala akong nakatingin sa harapan ko. Hindi ako makatulog dahil pumapasok sa panaginip ko ang nangyari kagabi. Nasira ang inaasam kong event. Napapunas na lang ako sa aking mukha at huminga nang malalim. Hindi ko alam pero biglang may tumulong luha sa aking mga mata, pinahid ko iyon at hindi ko hinayaang humikbi ako. Bakit ako malulungkot? Hindi ako pʼwedeng maging mahina, hindi. Hindi ako pinanganak at pinalaki ng magulang ko para maging madaling sumuko. Hindi rin ako nagpapatalo sa kahit kanino, lalo na sa Jason na iyon. Iyong kapatid nga niya ay natalo ko, siya pa kaya? Kay

