LAURA POV TUMAYO na lang ako sa kama nang mahimasmasan na ako, kalahating minuto na rin ang nakalipas nang mag—usap kaming tatlo. Pumasok ako sa bathroom para makaligo at makakain ng breakfast, kumukulo na ang tiyan ko. Nakatapat na muli ako sa shower habang pilit na inaalis sa aking isipan ang bad scenario na nangyari kahapon. Iniisip ko rin kung paano ko haharapin si Ninong Gavin mamaya, Sunday ngayon, wala silang pasok. Huminga akong malalim nang matapos akong maligo. Lumabas ako sa bathroom at nag—asikaso naʼng aking sarili. Gusto kong maging maayos ngayon para makita ni Ninong Gavin na hindi ako umiyak nor na—stress sa nangyari kahapon. Gusto kong makita niyang wala akong pake sa kanya at sa Joson na iyon. Naglagay ako ng makeup at liptint, hindi naman sobrang pula ng aking labi.

