LAURA POV NAGISING ako na tapos na ang speech ni Ninong Gavin. Nakita ko rin sa paligid ko sina Rosy and Francheska. “Are you okay?” tanong ni Ninong Gavin sa akin at binigyan niya ako ng tubig. Ininom ko iyon and biglang gumaan ang aking pakiramdam. “B—bakit nandito kayong lahat?” tanong ko sa kanila and Iʼm so confused. “Nag—aalala kami sa iyo, Laura! Tsk! Hindi pa rin alam kung sino ang nagpost ng article na iyon pero na—down na rin naman na!” Inis na sabi ni Francheska. “For sure kung sino ang may gawa nuʼn ay may galit sa iyo. Pakiramdam ko ay ang mga Joson na iyon. Sila lang naman ang nakaaway natin, right?” dagdag niyang sabi sa akin. Bigla kong naalala ang sinabi ni Francheska. “J—Jonson?” tanong ko sa kanya. “Yes, ang mga Joson! Paniguradong sila ang nasa likod nito. Masyado

