LAURA POV “IYON lang para sa araw na ito!” malakas kong sabi sa mga estudyante ko habang nakatingin sa kanila. Shet, tapos na akong mag—demo teaching. Tapos na ako. Nakatingin ako ngayon sa harapan ko na parang hindi ako makapaniwala. Nakita ko ang tingin ng CT ko, Head Teacher sa Filipino and our Professor. Tatlo lang sila ngayon pero sobrang nakakakaba. Grabe iyong kabog ng aking puso habang nakatayo sa harapan ngayon at nagtuturo sa kanila. “Salamat po, Maʼam Asuncion! Hanggang sa muli nating pagkikita!” malakas nilang sabi sa akin at hudyat na talagang tapos na. Napaupo na lang ako habang nakatago sa teacherʼs table ngayon dahil bumigay na ang tuhod ko. “Iʼm done.” mahinang sabi ko habang hindi makapaniwala na tapos na talaga ako. “Laura, you are done!” malakas na sabi ni

