LAURA POV DALAWANG araw, bago ang demo teaching namin sa Mabunga High School. Sumasakit na ang ulo ko dahil sa paghahanda ko para roon. Heto na ang last na pagsubok bago kami maka—graduate this April. “Baby inaanak? Baby inaanak, time to eat!” Napatigil ako sa pagta—type nang marinig ko ang boses ni Ninong Garvin. Inusog ko ang upuan at tumayo sa aking study table. Lumakad ako at binuksan ang pinto, nakita ko si Ninong Garvin na naka—apron pa. “Time to eat our dinner, baby inaanak!” nakangiting sabi niya sa akin. Tinignan ko siya. “Kayo nagluto ni Ninong Gavin?” tanong ko sa kanya at tinuro ang suot niyang apron. “May apron ka pang suot.” dagdag na sabi ko. Tumaas ang sulok ng kanyang labi. “What do you think, baby inaanak?” Aba, pinagloloko pa ako ng isang ito. Napaisip ako sa kan

