ALL OF ME 11
Tumuloy din kinaumagahan sina Erickson at Rhianna ang paglipat sa condo nito. Konti lang ang dalang gamit ni Rhianna dahil kumpleto naman na daw sa condo ng lalaki. Nadatnan nilang may matandang nagluluto sa kusina ng condo. Napangiti ang matanda nang makita silang dumating.
"Naku! Dumating na pala kayo, tamang-tama nakaluto na ako." Masayang sabi ng matanda sa kanila.
Napatingin si Rhianna sa asawa na parang nagtatanong.
"Siya ang caretaker ko ng aking condo, si Aling Marie." Pagpapakilala ni Erickson nang mapagtanto ang tingin ni Rhianna sa kanya.
Nginitian niya si Aling Marie.
"Kinagagalak ko ho kayong makilala," masayang turan ni Rhianana rito.
"Akon din po, ang ganda-ganda niyo po talaga!" Sagot ni Aling Marie na tila ba kinikilig.
Napahagikhik si Rhianna sa sinabi ng matanda.
"Magkakasundo tayo Aling Marie!" Pagbibiro niyang sabi rito.
Ngumiti si Aling Marie at tumango-tango. Maya-maya pa ay niyaya na sila nitong kumain. Umupo silang mag-asawa at magkatabing humarap sa dining table. Halos paborito ni Rhianna ang mga nakahain kaya't agad siyang naglagay sa kanyang pinggan.
Natutuwa namang pinagmamasdan ni Aling Marie si Rhianna.
"Paborito mo pala ang pinakbet iha? Aba! Pareho kayo ni Sir, kahit ang steak at itong inihaw na manok." Masayang bulalas ni Aling Marie.
Nginitian niya ito. Saka siya tumango. Natitigilan naman si Erickson dahil naaala nga niyang parehas sila nang paborito ni Rhianna. Mataman niya itong pinagmamasdan, nakaramdam siya ng konting paghanga sa asawa. Para tuloy nakokonsensiya ang kanyang loob na pagtaksilan ito.
Natapos silang kumain na tahimik lang si Erickson. Tutulong sana si Rhianna sa paghuhugas ng mga pinagkainan nila pero, tumanggi si Aling Marie. Walang nagawa si Rhianna kundi iayos na lamang ang kanyang damit sa kwarto nilang mag-asawa.
Bahagya pang nagulat si Erickson nang biglang bumukas ang pinto. At iniluwa doon si Rhianna.
"Naistorbo ba kita?" Tanong nito kay Erickson.
"Hindi naman," maikling sagot ng lalaki.
"Saang banda ko ba ilalagay ang mga gamit ko?" Tanong muli ni Rhianna.
"Sa bandang kaliwa, and please 'wag mong pakialaman ang mga gamit ko. Not unless sinabi ko sayo," saad ni Erickson.
"Okay," mahinang sagot ni Rhianna.
Lumapit siya sa closet at inilagay ang kanyang mga damit. Napasulyap naman si Erickson sa asawa. Nakashorts kasi ito ng puti na maiksi. Naka-tuck in ito ng kanyang blusang berde na walang manggas. Bahagyang naka-open ang tatlong butones ng damit nito.
Napalunok si Erickson at nag-init. Ang ganda kasi ng katawan ni Rhianna. Idagdag mo pa ang kakinisan ng balat nito at malambot iyun. Lalo siyang nag-init nang makita niyang sumisilip ang puno ng dibdib nito. Hindi niya kinaya iyun kaya marahas siyang tumayo.
"s**t!" Mura nito.
Agad lumingon si Rhianna sa asawa nang marinig niya ang mura nito. Paglingon ni Rhianna ay nakalabas na ng pintuan si Erickson. Naiwan si Rhianna na nagtataka. Nakadama siya nang lungkot dahil sa inasal ng kanyang asawa.
Agad namang dumiretso si Erickson sa kusina. Binuksan niya ang ref at kumuha nang malamig na tubig. Dire-diretso niya iyung iniinom. Medyo nakaramdam siya ng kaginhawaan.
"Sir, wala na po ba kayong iuutos sa akin?" Untag sa kanya ni Aling Marie.
Lumingon siya sa matanda.
"Uuwi na po ba kayo?" Ganting tanong niya.
"Opo sana Sir! May lalakarin pa po kasi ako," sagot ni Aling Marie.
"Sige po," pagpayag na sabi niya.
"Salamat Sir! Basta ipatawag niyo ako kapag may kailangan kayo." Wika ni Aling Marie at humakbang na ito palabas ng condo.
Kinuha naman niya ang kanyang laptop at umupo sa sala. Nasa kalagitnaan siyang nagtatype sa keyboard ng laptop, nang makita niyang lumabas sa kwarto si Rhianna. Sinundan niya ito nang tingin.
Nagpunta ito sa kusina. Kaya ibinalik niya ang kanyang tingin sa screen ng laptop.
"Magmeryenda ka muna," narinig niyang sinabi ni Rhianna.
Medyo nagulat pa siya nang makitang nasa tabi na pala niya ito.
"Salamat!" Maikling sagot niya at nagkunwaring tutok siya sa ginagawa niya.
"Ano ba 'yan?" Tanong ng kanyang asawa sabay tabi sa kanya.
Napatigil si Erickson sa gingawa.
"Wala!" Malamig niyang tugon.
"Imposible namang wala," turan ni Rhianna.
Napakunot-noo naman si Erickson.
"Ayoko nang maingay! Lalo na kapag may ginagawa ako," seryosong sabi niya sa asawa.
Natameme si Rhianna.
"Sorry naistorbo kita," pagpapaumanhin ni Rhianna sa asawa.
Pagkasabi ni Rhianna iyun ay tumayo na siya at nagpunta sa kanilang kwarto. Napasuntok naman sa hangin si Erickson. Gusto niyang kutusan ang sarili dahil sa kanyang ginawa.
Subalit nagkibit-balikat na lamang siya. Wala na siyang magagawa pa, tinarayan na niya ito. At sa totoo lang gusto niya itong iwasan da susunod na mga araw.