ALL OF ME 12
Maghapong hindi nagkakalapit sina Rhianna at Erickson. Hindi sila nag-iimikan. Natulog na lang si Rhianna maghapon kaysa tutunganga siya.
Lumabas siya ng kanilang kwarto nang masulyapan ang wall clock na gumagabi na pala. Nakita niyang nakatulog si Erickson sa sofa, kaya iniligpit niya ang mga gamit ng asawa. Pinusod niya ang kanyang buhok at nagtungo na siya sa kusina para magluto.
Binuksan niya ang fridge at inilabas niya ang karne ng baka. Hinati-hati niya iyun at isinalang. Gagawa siya ng nilagang baka. Isinunod niya ang bigas na lulutin para magkasunod lang ang mga itong maluto.
Nagising naman si Erivckson sa amoy na nanuot sa kanyang ilong. Marahan siyang bumangon at nakita niya ang kanyang asawa na nag-aayos na sa mesa. Nakaluto na pala ito. Napasulyap si Rhianna sa gawi niya at nginitian siya nito.
"Halika ka na! Kakain na tayo," masayang yaya sa kanya ng asawa.
Nakatingin lang siya rito. Tinatanong niya sa kanyang sarili kung bakit kay daling mapawi para kay Rhianna ang kanyang ginawa kanina. Nasaktan niya ito kanina at ngayon masaya na ulit ito.
"Hindi ka pa ba nagugutom?" Mabining tanong ni Rhianna ulit sa kanya.
Kumurap-kurap si Erickson at tumayo na mula sa pagkakaupo. Naglakad siya papunta sa kusina.
"Niluto mo lahat ito?" Tanong niya sa asawa nang makalapit siya.
"Oo!" Nakangiting sagot ni Rhianna.
"Hmmm, interesting! Magaling ka palang magluto." Bulalas ni Erickson.
"Oo naman! Mahilig ako sa pagluluto, kaya alam ko kung paano gumawa nang mga 'yan." Masaya pa ring sabi ni Rhianna sa asawa.
Tumango-tango si Erickson at sumubo. Kinikiliti naman si Rhianna na naghihintay sa sasabihin ng asawa.
"Hmmm, masarap siya ah!" Masayang sambit ni Erickson.
"Thank you! Sige, kumain ka pa nang kumain." Masayang turan ni Rhianna at nilagyan niya ang plato ng asawa.
Nasisiyahang pinagmamasdan ni Rhianna ang asawa. Magana kasi itong kumakain. Parang hindi siya nito sinungitan kaninang tanghali.
Matapos nilang kumain ay agad umupo sa sala si Erickson at binuksan ang telebisyon. Habang si Rhie ay naghugas ng pinag-kainan nila. Pero hindi sa pinapanood umiikot ang utak ni Erickson. Naisip niya patas na sila ni Rhie nang dahil sa nangyari kanina. Wala nang dahilan para makonsensiya ang kanyang puso sa ginawa.
Matapos ni Rhie ang kanyang ginagawa ay pumasok siya sa kanilang kwarto. Nagpasya siyang maligo dahil malagkit na ang kanyang pakiramdam.
Naagaw din ng kanyang pinapanood ang atensyon ni Erickson. Magaan ang kanyang pakiramdam sa pinapanood niya nang tumunog ang kanyang selpon. Tiningnan niya kung sino ito at nagulat siya. Luminga muna siya sa gawi ng kanilang kwarto bago sagutin ang tawag.
"Bianca! Bakit ka tumawag?" Paanas na tanong niya rito.
"Babe! I miss you! " Sabi ni Bianca.
"Lasing ka ba?" Tanong ulit ni Erickson.
"Wala ka nang pakialam sa akin hindi ba? Kaya okay lang kung mamatay na ako ngayon din." Umiiyak na sagot ni Bianca.
"No! Where are you? Stay there!" Natatarantang wika nito.
"Nasa condo na ako! And I want to die!" Sigaw ni Bianca.
"I said, no!" Bulalas ni Erickson.
Magsasalita pa sana siya nang patayin ni Bianca ang kanyang selpon. Napamura si Erickson at agad hinanap ang susi ng kanyang sasakyan. Nagmamadali siyang lumabas ng condo at halos takbuhin ang parking lot. Agad siyang sumakay at pinaharutot ang kanyang sasakyan.
Nagbabad naman si Rhie sa bathtub. Unang gabi nila ni Erickson na silang dalawa lang. At medyo ninenerbiyos siya. Hindi niya alam ang kanyang gagawin lalo pa't hindi naman lasing ngayon ang kanyang asawa. Iwinaksi niya ang kanyang iniisip at ngumiti.
Nang magsawa ay nagbanlaw na siya. Masayang lumabas ng kwarto at nagbihis. Nagwisik siya nang konting pabango at inayos ang kama. Nagpa-beauty muna siya bago lumabas ng kwarto.
Nagtaka siya nang makitang wala ang kanyang asawa sa sala. Ngunit nakabukas naman ang tv. Hinanap niya ito sa kusina at veranda pero wala ito.
Saan kaya nagpunta 'yun? Tanong niya sa kanyang sarili.
Kinuha niya ang kanyang selpon at tinawagan ito. Nagring ito pero walang sumagot. Nakailang ring siya sa selpon ng asawa pero walang samasagot.
Kinakabahan na siya. Tinawagan niya si Romeo.
"Hello?" Wika ng binata.
"Rom, itatanong ko lang sana kung pumunta diyan si Erickson?" Nahihiya niyang tanong.
"Wala naman siya rito saka bakit siya umalis nang hindi nagpapaalam?" Tugon ni Romeo.
"Nandito lang siya kanina, paglabas ko wala na siya." Sagot niya.
"Ah! Baka may binili lang," sabi ng binata.
"Ay! Oo nga pala baka nga!" Natatawa niyang sabi kay Romeo.
Natawa rin si Romeo sa kabilang linya.
"See? Hanep very worried ka naman sa damuhong na iyun!" Pagbibiro ni Romeo sa kanya.
"Sige salamat! Siyempre asawa ko siya," natatawa pa ring sagot ni Rhie.
"Okay! Bye!" Tugon ni Romeo at nawala na ito sa kabilang linya.
Naupo naman si Rhie sa sofa at nanood nang tv habang naghihintay sa asawa. Makalipas ang isang oras ay hindi pa bumalik si Erickson. Nag-aalala na talaga si Rhie. Kaya nagpasya siyang lumabas ng condo at silipin ang parking lot.
Marahan siyang naglakad papunta sa parking area. Sinuyod niya iyun subalit hindi niya matagpuan. Nagpasya siyang bumalik sa condo. Tiningnan niya ang sabitan ng mga susi kung kulang ang mga iyun. Natigilan siya, kulang nga!. At ang susi nang ferrari ni Erickson ang wala.
Nanuyo ang kanyang lalamunan. At hapong-hapo na naupo sa sofa. Muli niyang tinawagan ang asawa. Nagri-ring lang ito at hindi sinasagot. Para siyang maiiyak na ewan pero pinigil niya. Inisip na lang niyang may importanteng pinuntahan ang kanyang asawa.