ALL OF ME CHAPTER 20

1117 Words
ALL OF ME 20 Kinabukasan. Mabigat ang ulo ni Rhie at parang mabibiyak. Nanatili siyang nakapikit dahil pumipintig-pintig iyun. Tumagilid siya at marahang nagmulat. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang nakatingin sa kanya si Erickson.  Nakatayo ito at nakatiingin sa kanya. Humarap siya sa kabilang gilid. "I'm glad you're awake! Malelate na ako," narinig niyang sabi nito sa kanya. Tumango lang siya. "Sa uulitin, 'wag kang magpakalasing! Hindi mo naman kayang umuwing mag-isa." Iritableng sabi ulit ng kanyang asawa. Hindi siya sumagot. Imbes na mag-alala sa kanya tatalakan lang pala siya. Narinig niyang bumuntong-hininga ito. "Papasok na ako! May pagkain sa mesa," wika nito at narinig na niyang bumukas ang pinto. Saka lang siya lumingon nang makaalis na ito. Nanatili siyang nakahiga. Naalala niyang uminom nga sila ni Rom. Hindi niya alam na nalasing pala siya. Tumunog ang kanyang phone. Pinilit niya iyung abutin. At tiningnan kung sino ang tumatawag. "Bakit?" Tamad niyang tanong. "Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong din ni Rom sa kanya. "Hindi, masakit nga ang ulo ko eh! Nahihilo pa rin akong bumangon." Tugon niya. "I will come there! Stay in your bed, and give me the password of your condo." Wika ng binata. "Sige! Couple ang password nu'n," tinatamad niyang sagot. "Got it! Wait for me," turan ni Rom. Pagkasabi noon ay nawala na ito sa linya. Pinatay na rin ni Rhie ang kanyang phone. Ibinalik niya iyun sa lamesa malapit sa kanyang tabi. Muli siyang pumikit at hindi niya namalayang muli siyang nakatulog. Pagdating ni Romeo sa condo nina Rhie ay agad itong nagluto nang sopas. Bumili din siya kanina nang gamot sa sakit ng ulo. Nang maluto na niya ang sopas ay agad siyang naglagay sa mangkok. At dinala iyun kay Rhie. Kumatok siya at pinihit ang seradura. Binuksan niya ang pinto at nakita niyang tulog pa rin ito. Lumapit siya at ginising niya ito. "Hmmm," ungol ni Rhie. "Gising ka na at kumain para, magkaroon ang laman nang iyung tiyan." Mabining sabi ng binata. "Sige lang," matamlay na sagot ni Rhie. "Teka, may lagnat ka ba?" Nag-aalalang tanong ni Rom sabay dama sa noo ni Rhie. Mainit nga ito at parang nanginginig pa. "Rhie, kahit kunti lang tapos dalhin kita sa hospital. Parang kinukumbulsyon ka, " natatarantang turan ng binata. Tinulungan niyang makabangon ang dalaga at sinubuan. Tatlong kutsara lang ang kinain nito at umayaw na. Pinainom siya ni Rom nang gamot. "Bubuhatin na lang kita, nasaan ang jacket mo?" Nag-aalala pa ring sabi ng binata. Halos hindi na niya alam ang kanyang gagawin. Kung anu-ano na ang kanyang nadadampot. Pagkatapos mabigyan nang makapal na jacket si Rhie. At lagyan ng medyas ang mga paa nito, binuhat niya agad ang babae. Ang kotse na niya ang ginamit nila. Dinala niya si Rhie sa private hospital. Pagkadating roon ay isinakay niya si Rhie sa wheelchair at agad nagpa-admit. Agad namang sinuri nang doktor ito. Halos hindi siya mapakali dahil namumutla na si Rhie. Lakad siya nang lakad habang hinihintay ang doktor. Nakita niyang lumabas na ang doktor kaya sinalubong niya ito kaagad. "Dok! Ano pong findings niyo?" Tanong niya agad dito . "Well, it's just a fever mabuti na lang at napainom mo siya agad nang gamot. Kung hindi, mauuwi sana sa kumbulsiyon." Paliwanag ng Doktor. "Yun lang po ba, wala nang iba?" Muling tanong ni Rom. "Wala naman! Kaya lang, she have to eat in proper time. Parang hindi siya kumakain this past few days!" Saad ng Doktor. Hindi nakasagot si Rom. "Sige po, salamat." Mahinang sagot ng binata. "Okay! Make sure na ma-take niya lahat ng reseta ko." Bilin ng Doktor. Tumango si Rom at agad pinuntahan si Rhie. Nagkakulay na itong muli. Nakatingin ito sa kanya at bahagyang ngumiti. "Pinakaba mo ako! Bakit hindi ka kumakain sa tamang oras? Alam mo bang nalaman ng Doktor na, hindi ka kumakain?" Mahabang sabi niya kay Rhie. "Okay lang! Lagnat lang naman, saka salamat nga pala." Nakangiting sagot ni Rhie kay Rom. "Walang anuman! 'Di ba sabi ko sayo, sabihan mo lang ako kapag may problema ka?" Wika ng binata. Nawala ang ngiti sa labi ni Rhie at nag-iwas nang tingin kay Rom. "Wala naman akong problema, ah!" Pilit niyang pinasaya ang kanyang boses. "Okay! Hindi kita pipilitin, lagi mong pakatandaan nandito lang ako." Matapat na sabi ni Rom. Pinigilan ni Rhie ang pagpatak nang kanyang luha. Kumurap-kurap siya at muling tumingin kay Rom. "Kailan daw ako lalabas dito?" Naalala niyang itanong sa binata. "Puwede na raw mamaya, ubusin mo lang yang dextrose mo." Sagot ni Rom. "Ganu'n ba?" Tugon ni Rhie. Tumango si Rom at umupo sa tabi ni Rhie. Nakita niyang pumikit-pikit ito hanggang tuluyang makatulog. Pinagmasdan niya ito at hinaplos ang pisngi. Napansin niyang pumayat ito nang kaunti. Muli siyang nakaramdam nang awa sa babaeng lihim niyang minamahal noon pa man. Kung hindi niya lang matalik na kaibigan si Erickson ay hindi niya ipapaubaya si Rhie. Ngayon, nakahanda siyang bawiing muli si Rhie kay Erickson. Makalipas nang ilang oras ay naasikaso na ni Rom ang release paper ni Rhie. Nagbayad siya sa cashier at pinuntahan na niya si Rhie. Nakaupo na rin ito sa gilid ng kama at medyo masigla na. "Ready?" Sabi ni Rom kay Rhie. "Ready," mahinang sagot niya rito. Hinawakan na ni Rom ang kamay ni Rhie at sabay na silang lumabas. Naglakad na sa pasilyo at nagkangitian. Paliko na sila nang tumigil sa paglakad si Rhie. Nakatingin sa parehang nasa di kalayuan. Nakahawak ang braso nang lalaki sa beywang nung babae. Halatang inaalalayan nung lalaki ang babae. Sinundan ni Rom ang direksyon kung saan nakatingin si Rhie. Nagulat siya dahil sina Erickson at Bianca iyun. Akma nang hahalikan ni Bianca sa pisngi si Erickson. Kaya agad tinakpan ni Rom ang mga mata ni Rhie. Hindi gumalaw si Rhie, hinayaan niya ang kamay ni Rom na nanatiling nakatakip sa kanyang mga mata. Unti-unting inalis iyun ni Rom nang makitang nakalayo na ang dalawa. Tumingin siya kay Rhie. Nakita niyang nanginig ito at tumataas bab ang dibdib. "Rhie! Look at me!" Untag ni Tm dahil natulala pa rin ito. "Rhie!" Yugyog ng binata sa balikat ni Rhie. Noon lamang tila na-tauhan si Rhie sa pagyugyog ni Rom sa kanya. Tumingin siya sa binata at pinigil niya ang maiyak. "Gusto ko nang umalis dito," mahinang sabi niya. "Sige!" Sagot ni Rom. Nagpatuloy na sila sa paglakad. Halos natatapilok si Rhie dahil naalala niya pa rin ang nakita. Mabuti na lang at nakasuporta ang mga bisig ni Rom sa kanyang likod . Ngayon, naramdaman niyang para siyang tuod. Para siyang robot, kumikilos pero hindi kasama ang isip. Makakaya niya pa ba ang lahat? Ngayong harap-harapan na niyang nakitang hindi nga siya ang mahal ni Erickson.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD