ALL OF ME CHAPTER 21

1041 Words
ALL OF ME 21 Nagpahatid nga si Rhie kay Rom sa condo. Namamanhid ang buo niyang katawan. Habang si Rom ay nag-aalala sa kanya. At nagagalit naman siya kay Erickson. "Ipagluluto ba kita?" Nag-aalalang tanong niya. Tumingin lang sa kanya si Rhie. "s**t Rhie! Don't be like this! Kung hindi mo na kaya then tell me." Halos hindi humihingang sabi ng binata. Siya ang mas apektado sa hitsura ni Rhie na parang lantang gulay na tila wala nang buhay. "Gusto ko nang magpahinga," mahinang sagot ni Rhie. "Kumain ka muna at nang makainom ka ng gamot mo." Maalumanay nang wika ni Rom. "Gusto kong mapag-isa," tugon ni Rhie. "No! I won't leave you!" Tutol ni Rom. "Please?" Turan ni Rhie na nagsusumamo. Napapikit si Rom at bumuntong-hininga. "Allright! But promise me na iinumin mo mga gamot mo." Pagsang-ayon ng binata. Tumango lang si Rhie. Pagkatapos nu'n ay umalis na ang binata. Naiwan si Rhie, doon lang siya umiyak nang umiyak. Lahat ng madampot niya ay ibinato niya. "Ahhhhh!" Sigaw niya at napahagulhol na siya. Tumalungko siya sa sahig. At isinubsob ang kanyang mukha sa kanyang tuhod. Matagal siyang ganun ang kanyang posisyon. Nang tumigil ay bumabasiya at kinuha ang kanyang laptop sa sasakyan. Binuksan niya iyun, nakita niyang nasa opisina na ang kanyang asawa. Muli niyang isinarado iyun at muling bumaba. Sumakay siya sa kanyang sariling sasakyan at nagmaneho na siya. Hinanap niya ang address kung saan laging naroon ang kanyang asawa. Medyo malayo sa siyudad, apat na oras ang biyahe. Nahanap niya rin sa wakas. Pinagmasdan niya ang paligid. Para itong isang baryo, maraming kahoy at puno. Bumaba siya ng kanyang sasakyan. Pinindot niya ang doorbel nang makarating siya sa harap ng gate. Nakailang doorbel siya bago maya nagbukas. Isang matandang babae. "Sino po sila?" Tanong ng matanda. "Ah, nandiyan po ba si Bianca?" Tanong din niya rito. "Opo! Pero, sino ba kayo?" Sagot nito sa kanya. "Kaibigan niya ako!" Tugon niya. Tiningnan siya ng matanda. Atsaka binuksan ang gate. Agad siyang pumasok at sumunod sa matanda. "Naroon po siya sa pool, nasa likod." Sabi sa kanya ng matanda. Tumango lang siya at tinungo ang pool. Nakita niyang nakaupo nga sa pool si Bianca. Nakatalikod ito sa kanya. Humakbang siya papalapit dito. "Manang, sino ba yung dumating?" Tanong nito nang makalapit siya. Hindi siya umimik. Nang walang marinig siguro na sagot ay humarap ito. Nagulat si Bianca pagkakita sa kanya. Agad itong tumayo. "Anong ginagawa mo rito?" Mataray na tanong niya kay Rhie. "Surprised! Nagulat ka ba?" Nang-uuyam na wika ni Rhie. Tumaas ang kilay ni Bianca. "Bakit naman ako magugulat sayo? Eh hindi ka nga nakakatakot," nakangising sagot ni Bianca. "Talaga? Hindi nga ako nakakatakot, dahil hindi naman ako demonyitang katulad mo!" Galit na turan ni Rhie. "Sabihin mo na ang gusto mong sabihin, at umalis ka na." Mataray na tugon ng dalaga. Lumapit pa mas lalo si Rhie sa harapan ni Bianca. Yung tipong halos magkadikit na sila kung tutuusin. Napaatras naman si Bianca. Tinitigan ito ni Rhie at walang sabi-sabing sinampal niya ito nang malakas. Gulat na gulat si Bianca habang sapo ang pisngi. Matalim na tinitigan niya si Rhie. Sasagot sana si Bianca pero muli siyang sinampal ni Rhie. Sinapo ulit ni Bianca ang kabilang pisngi niya. "Para 'yan sa pagpatol mo kay Erickson kahit nag-asawa na siya!" Galit na sabi ni Rhie. Tumawa si Bianca "Nakakatawa ka! Ako ang nauna kaya walang mali doon," sagot ng dalaga. "Ikaw anh nauna, pero ako ang asawa! Sa mata ng lahat, isa kang mababang uri ng babae!. Kabit, na kumakapit sa isang may asawa na." Saad ni Rhie. Hindi nakasagot si Bianca. "Alam mo bang, alam kong binayaran ka ni Lolo Facundo? At sumira ka sa pinagkasunduan niyo! Well, hintayin mo siyang makabalik." Mariing wika ni Rhie. Natulala si Bianaca at nakatingin lang kay Rhie. "See? Kay humanda ka na kapag nalaman ito ni Erickson." Pagpapatuloy ni Rhie. "Eh di sabihin mo sa kanya! Hangal na hangal siya sa akin, kaya go!" Nanunuyang sabi ni Bianca. Sinampal niya ulit ito nang sunud- sunod. Yung halos mabingi ito sa mga sampal niya. Namula na ang magkabilang pisngi ni Bianca. Humihingal na tumigil si Rhie. "Tanda 'yan na sana matauhan ka at makonsensiya, demonyita!" Singhal ni Rhie at tinalikuran na niya ito. Naiwan naman si Bianca na napaiyak hindi sa hiya kundi sa sakit nang sampal ni Rhie. Pakiramdam niya namanhid ang kanyang pisngi at kumapal iyun. Galit siyang nagmura at nagsisisigaw. Nakaabot iyun sa pandinig ni Rhie. Kahit papaano, lumuwag ang kanyang dibdib. Nagtungo siya sa kanyang sasakyan at umalis na siya roon. Ang kaninang panghihina niya ay nawala. Parang napalitan nang lakas. Pagdating niya sa condo, siya naman ang nagulat dahil naroon si Erickson. Nagtaka siyang maaga itong umuwi ngayon. "Saan ka galing? Akala ko ba, nahihilo ka pa dahil sa hang over?" Magaspang na tanong nito sa kanya. Hindi siya sumagot, nilagpasan niya lang ito. Galit na hinawakan ni Erickson ang kanyang braso. "Kinakausap pa kita! Nagkita na naman kayo ni Rom? Inaliw ka ba na naman niya? Himala hindi ka niya nilasing!" Sunud-sunod na sabi ni Erickson. Inalis niya ang kamay ng asawa at tinitigan niya ito. "May masama ba? After all, fixed marriage lang ang lahat. Hindi ba sabi mo, mamamasyal ako kapag nababagot? Lagi akong bagot, kaya lagi akong namamasyal." Mahabang sagot ni Rhie. Hindi nakahuma si Erickson. Sinundan ng kanyang tingin ang papalayong si Rhie. Napamura siya at naupo sa sofa. Napansin niya ang brown bag na nasa lamesita. Kinuha niya iyun at binuksan. Nakita niya ang discharge paper ni Rhie ng isang hospital. Nagulat siya dahil parehas ang hospital nila ni Bianca. Para siyang nakonsensiya nang makitang nagkasakit pala si Rhie at may mga reseta ito. Nanuyo ang kanyang lalamunan. Parang wala siyang mukhang maihaharap sa asawa. Pero iwinaksi niya iyun mas nangibabaw sa kanya ag galit sa dalawa. Tila nawiwili na kasi silang namamasyal. Hindi niya sana alam ito kung hindi sinabi sa kanya ng isang kaibigan niya. Para sa kanya, hindi magandang tingnan dahil babae si Rhie at may asawa na ito. Muli siyang nagmura at nagtungo sa kusina. Magluluto na lang siya, alam niyang hindi pa kumakain si Rhie. Namumutla pa ito nang matitigan niya. Muli siyang napabuntong- hininga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD