ALL OF ME CHAPTER 25

1351 Words
ALL OF ME 25 Araw-araw na kinakausap ni Erickson kahit coma pa ito. Alam niyang naririning siya ng kanyang asawa. Halos araw-araw din siyang umiiyak at humihingi nang tawad. Hindi siya natutulog para kapag nagising ito ay siya ang unang makikita niya. May isang araw pa na lumuluha si Rhie habang kausap ni Erickson. Kaya mas lalo niya itong kinausap. "I know you can hear me," ani ni Erickson sabay punas sa mga luha ni Rhie. "I will promise that, I won't hurt you anymore." Naiiyak na sabi nito sa asawa. Suminghot siya at sakto namang bumukas ang pinto. Napalingon siya at nakita niyang ang kanyang Tita. Lumapit ito at hinagkan si Rhie sa noo. Hindi tumitingin ito sa kanya. "Your Grandpa, want to talk to you." Malamig na wika ng kanyang Tita. "Ayoko siyang iwan," mahinang sagot niya. "You've caused this! Face your Lolo and prove to him that you love her!" Mariing tugon ng Ginang. Hindi siya nakasagot. Bantulot siyang tumayo habang nakatingin pa rin kay Rhie. "Sige na! Ako muna ang magbabntay sa kanya," wika ng Tita niya. Bago siya umalis ay hinagkan niya muna ang kanyang asawa. Mabagal ang takbo ng kanyang kotse papunta sa mansion. Alam niyang batid na ng kanyang Lolo ang lahat. At haharapin niya ang galit nito. After all, kasalanan naman niya talaga ang lahat-lahat. Mabibigat ang kanyang hakbang na nagtungo kung saan naroon ang kanyang Lolo. Marahan niyang itinulak ang pinto. Nakatalikod ang Don sa kanya. Pumasok siya at tumikhim. Isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang pisngi. Halos mabingi siya sa sampal na iyun. "I regretted that I laid Rhie in your hands, you idiot!" Nanlilisik ang ga mata ng Don. Hindi siya tumingin sa Lolo niya. Natungo siya at walang lakas ng loob na sumagot. "Isa kang walang puso! Pagsisisihan mo ang lahat ng ito! Alam mo ba ang magiging reaksyon ng buong angkan ng mga Peralta?" Galit na galit na wika ng Don. Ngunit hindi siya sumagot, nalaglag ang kanyang luha. "Magpasalamat ka, hindi pa nila alam ang lahat. Or else, binomba na tayo rito oras-oras. At kukunin nila sayo si Rhie, sa ayaw at gusto mo." Pagpapatuloy ni Don Facundo. "Bakit hindi ka sumagot? Ipakita mo ang tapang mo! Ang katigasan ng ulo at puso mo!" Singhal ng matanda saka sinampal ulit si Erickson. Yumugyog ang mga balikat ni Erickson. Humikbi siya at luhaan na tumingin sa Don. "Lolo, I love her pero ayokong aminin sa kanya! Hindi ko matanggap sa sarili ko na, I love her again!" Umiiyak niyang sagot dito. "Mahal? Nakaya mo siyang pasakitan na parang hindi tao? Na parang hindi nakakaramdam ng sakit?" Maanghang na tanong ni Don Facundo. "Dumistansiya lang ako, Lolo pero God knows! Gusto ko siyang makasama araw-araw pero pinipigilan ko ang aking sarili. Tinikis ko ang aking damdamin pinilit ko siyang kamuhian!" Sabi ni Erickson at tuluyan na siyang lumuhod sa harapan ni Don Facundo. "Patawarin mo ako, Lolo! I've failed you, tatanggapin ko kung anong parusa ko. Please! Please, forgive me." Humahagulhol na wika ni Erickson. Kumurap-kurap ang Don. Kahit papaano ay naantig ang kanyang damdamin. Sapagkat iilang lalaki lang umiiyak at lumuluhod, asking forgiveness. Kahit siya ay naiiyak sa hitsura ng kanyang minamahal na apo. Ang ulilang apo niya. Pero ikinubli niya iyun sapagkat gusto niyang mapatunayan ni Erickson sa kanya na he deserve to be forgive. "Get up! I'm giving you a second chance. Help Rhie to rebuild all of her. Tulungan mo siyang buuing muli ang lahat sa kanya." Mahinang sabi ng Don. Hindi umimik si Erickson at patuloy na humihikbi. "Prove to her that her love for you is worthy. Bumawi ka sa kanya anuman ang pasya niya, kapag gumising na siya." Wika ng Don. Masayang tumango si Erickson kahit luhaan pa ito. "I promise, Lolo! Hindi ko sasayangin ang pangalawang pagkakataon!" Sagot nito sa Don. "Good! Ayusin mo na ang sarili mo para ka ng taong gubat." Tugon ng Don. Kahit papaano ay napangiti si Erickson. Dali-dali siyang naligo at nag-ahit. Dalawang linggo nang hindi niya naaasikaso ang kanyang sarili. Ayaw niya kasing si iwan ang kanyang asawa at baka magising. Masigla siyang bumalik sa hospital. Medyo magaan na ang kanyang pakiramdam. Kapatawaran na lang ni Rhie ang kanyang hinihintay. "Tita, how is she?" Agad niyang tanong sa Tita Gladys niya pagkapasok niya sa loob. "Nag-seizure siya kanina, nabigla ako at natakot." Nag-aalalang sagot ng kanyang nakita. Kinabahan siya sa narinig. "Anong sabi ng Doktor, Tita?" Atat niyang tanong muli. "She's fine, senyales daw iyun na nag-rerespond na siya. But we have to careful more, baka kasi iba ang epekto sa kanyang katawan kapag lagi siyang ganun." Paliwanag ng Ginang. Nakahinga si Erickson ng maluwag. Ilang saglit pa at nagpaalam na rin ang kanyang Tita. Pinilit niyang siya pa rin ang magbabantay sa kanyang asawa. Wala siyang nararamdamang anumang kapaguran. Pinagmasdan niya ang kanyag asawa. Hinaplos ang pisngi nito at buong pagmamahal na hinagkan sa noo nito. Kumuha siya ng bimpo at binasa iyun ng tubig na may alcohol. Pinunasan niya ang braso nito at mukha. "Lilinisan kita ulit baka mangati ka," sabi niya. "Ang kinis-kinis ng balat mo, nakakahiyang tumabi sayo." Muling sabi ni Erickson. "Pero mas malinis ang puso mo, kaya kita mahal." Pagpapatuloy ni Erickson. Isinunod niya ang mga binti ni Rhie hanggang paa. "Dapat, malinis ka palagi para paggising mo hindi ka magagalit sa akin. Malinis ka kasi sa katawan kaya lagi kita nililinisan." Nakangiti pa ring wika nito saka tumingin sa mukha ng asawa. Nagulat siya at nabitawan ang hawak na bimpo. Si Rhie, nakadilat ang mga mata at nakatingin kay Erickson. "Rhie!" Bulalas niya at agad niyakap ang asawa. Muli niya itong tiningnan, nakadilat pa rin ito. Pinadaan niya ang kanyang kamay sa harap ng mata ng asawa. Kumurap ito at tumingin sa paligid. Agad tumawag ng Doktor si Erickson. Nagkagulo ang lahat at agad tiningnan si Rhie. "Kumusta siya, Dok." Agad niyang tanong dito. "I'm amaze! Okay lahat ng kanyang vital status. She's okay, isa na lang ang dapat siguruhin." Sagot ng Doktor. "Since malaki ang impact ng bato sa kanyang ulo, I want to make sure na hindi na-damage ang kanyang utak." Wika ng Doktor. Tumango si Erickson kahit kinakabahan. "Sabihin mo sa akin ang iyong pangalan," baling ng Doktor kay Rhie. "Pangalan ko?" Sagot ni Rhie. Tumango ang Doktor. "Pangalan ko, pangalan ko, pangalan ko," paulit-ulit na sambit ni Rhie. Nagkatinginan sina Erickson at ang Doktor. "Okay, alam mo ba kung nasaan ka?" Pangalawang tanong ng Doktor. "Nasaan ako? Nasaan nga ba?" Nalilitong tugon ni Rhie. "Kilala mo ba siya?" Tanong nitong muli saka itinuro si Erickson. Tumingin si Rhie kay Erickson. Matagal niya itong tinitigan. May biglang luha na lumandas sa gilid ng mga mata ni Rhie. Kumurap-kurap ito. "Hindi ko siya matandaan ngunit bakit sumasakit ang dibdib ko habang tinititigan ko siya?" Tanong ni Rhie sa Doktor. "Siya ang asawa mo, mag-asawa kayo." Sagot ng Doktor. "Asawa ko siya?" Tanong ulit ni Rhie na kay Erickson pa rin nakatingin. "Oo, honey! Asawa mo ako! Tingnan mo, parehas tayo ng singsing." Sabad ni Erickson. Tiningnan ni Rhie ang singsing ni Erickson at ang kanya. Parehas nga sila. "Oo nga! Pero kumikirot ang ulo ko, sa tuwing gusto kong maalala ang lahat." Wika ni Rhie at pumikit. "Okay! Huwag nating puwersahin dahil baka makasama ito sa kanya." Sabi ng Doktor. "Sige po," mahinang sagot ni Erickson. "Ang gagawin natin ngayon, gabayan natin siya pagpasensiyahan at tulungan." Payo ng Doktor. Tumango-tango si Erickson. Marami pang ipinagbilin ang doktor. Pagkatapos ay nagpaalam na ito. Nakatitig pa rin si Rhie sa kanya. "Guwapo ba ang asawa mo?" Nakangiting tanong ni Erickson dito. Ngumiti rin si Rhie. "Hindi naman, kinakabesa ko lang ang mukha mo baka sakaling may maalala ako." Sagot ni Rhie. "Huwag mo munang pilitin, pagaling ka muna." Tugon ni Erickson. Tumango si Rhie. Kinumutan ito ni Erickson at kinantahan. Ilang saglit pa at muling nakatulog si Rhie. Masuyong pinagmasdan ito ni Erickson. Maluha-luha siyang hinagkan ang asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD