ALL OF ME CHAPTER 24

1097 Words
ALL OF ME 24 Umiiyak na si Erickson sa pagsisid mahanap lang si Rhie. Kahit si Romeo ay sumisid nang sumisid upang hanapin si Rhie. Sa wakas ay nakita ni Erickson ang asawa. Hindi na ito gumagalaw at nakaunan sa malaking tipak ng bato. Agad lumangoy si Erickson papunta sa kanyang asawa. Nakita niyang may dugo ito sa ulo, dali-dali niyang binitbit ito paitaas. Lumangoy siya hanggang sa damuhan. Binuhat niya si Rhie at pinahiga. Agad niyang binigyan ito ng first aid. Diniinan niya ang dibdib ng asawa at binomba gamit ang kamay. "Come on, Rhie!" Bulalas ni Erickson. Binigyan niya ng CPR ang asawa sa pamamagitan ng kanyang bibig. Binombahan niya ulit ang asawa, halos mangiyak-ngiyak na siya. "Breath, Rhie! Come on, honey please!" Muling bulalas ni Erickson. Subalit hindi pa rin nagre-respond si Rhie. Nangitim na nga ito at maputi na ang labi. "Please, Rhie! I'm begging you! Come back to life, Rhiiee!" Sigaw na ni Erickson. Sakto namang dumating ang mga rescue team. Dala-dala ang stretcher at agad binuhat si Rhie. No! Bigyan niyo siya ng CPR, please!" Pagmamakaawa ni Erickson. "Kami na po ang bahala sa kanya!" Sagot ng head sa rescue team. "Saan niyo siya dadalhin? Sasama ako!" Naiiyak na sabi ni Erickson. Bago siya makasampa sa loob ng sasakyan ay may humila sa kanya. Paglingin niya si Rom pala iyun at katulad niya, basang- basa ito. Agad siyang sinuntok ni Rom. "Damn you! Wala kang karapatang lapitan siya! Pinatay mo siya! I swear, I will kill youuuu!" Hysterical na sabi ni Rom. At muli niyang inundayan ng isa pang suntok si Erickson. Hindi naman ito lumaban, hinayaan niyang pinagsusuntok siya ni Rom. "I told you to give her back to me," nanghihinang wika ni Rom nang magsawa sa kasusuntok nito. Umiiyak na si Erickson at nakaluhod. Putok ang labi at may pasa sa mukha. Nakatungo ito at hindi makatingin kay Rom. "Hinayaan mo siyang magkimkim nang galit sayo. Sinabi ko na sayo, alam na niya ang lahat. Pero anong ginawa mo?" Punum-puno nang hinanakit ang salita ng binata. "Magsisi ka man, wala nang saysay dahil para mo na siyang ginutay-gutay! At sinasaksak nang ilang ulit." Pagpapatuloy ni Rom na lumuluha na. Impit namang humihikbi si Erickson. Hindi siya makasagot dahil totoo namang sinaktan niya si Rhie. "Kapag namatay siya, I'll swear that to forgive you is not enough. I want you also to jump in that bridge and fell on the water, then died. Just like what you did to her." Mariing sabi ni Rom at iniwan na niya si Erickson. Humagulhol si Erickson habang nanatiling nakaluhod. "Forgive me, Rhie!" Anas niya sa sarili. "Forgive meeee!" Sigaw niya at muling humagulhol ng iyak. "Erickson?" Tawag ni Bianca rito sa likuran ng lalaki. Napatigil si Erickson pero hindi niya nilingon si Bianca. "Tama na, hindi mo naman kasalanan eh!" Pang-aalo ng dalaga. "Umalis ka na! Gusto kong mapag-isa," mahinang sagot ni Erickson. "Sasamahan kita," tuhon ni Bianca. Marahas siyang lumingon sa dalaga. "Hindi ka ba, nakakaintindi? 'Di ba sabi ko umalis ka na? Umalis ka na!" Pagalit na sigaw ni Erickson kay Bianca. Napaigtad naman ito dahil sa nakita niyang galit sa mga mata ni Erickson. Ngayon niya lang nakitang ganito magalit nang grabe. Mabilis tumalikod si Bianca at patakbong umalis. Umupo naman si Erickson sa damuhan at tumingin sa tubig. Muli siyang napaiyak. Ngayon lang siya nakadama nang matinding takot. Lalo na nang makita niyang tumalon si Rhie at nahulog sa tubig. Hanggang ngayon ay nanginginig siya. Lalo na nang maalala niya nag hitsura ni Rhie bago tumalon. Nang mahimasmasan ay nagpasya siyang umuwi para magpalit ng damit. Halos paliparin niya ang kanyang sasakyan. Tinawagan niya ang kanyang personal driver sa mansiyon. Ipinagbilin niya ang sasakyan ni Rhie. Sinabi niyang iuwi ang sasakyan sa kanilang condo. Nang makapagpalit ay agad siyang dumiretso sa hospital. Tumawag ang kanyang Tita at galit na galit. Pagkarating ay halos takbuhin niya ang pagpasok sa loob. Agad siyang nagtungo sa Emergency room. Nakita niya si Rom na naroon sa labas ng kwarto at galit na napatingin sa kanya. Agad itong lumapit sa kanya at matalim na tinitigan. "Bakit nandito ka? May mukha ka bang haharap sa kanya, mamamatay tao!" Mariing wika ng binata. "Asawa ko siya, mag-asawa kami kaya may karapatan ako." Madiin ding sagot niya. Biglang bumukas ang pinto at inuluwa ang Doktor. Sabay silang napatingin ni Rom dito. "Mr. Cortez!" Tawag ng Doktor kay Erickson. Kilala na kasi sila nito dahil ito rin ang Doktor ng kanilang pamilya. Agad lumapit si Erickson. "Critical ang kalagayan niya, malaki kasi ang impact ng bato na tumama sa kanyang ulo. Hindi natin alam kung ano ang epekto nu'n sa kanya, but sad to say she's in coma." Paliwanag ng Doktor. Nanghina si Erickson sa narinig. Halos hindi siya makahinga kaya napakapit siya sa tagiliran ng pinto. "Maingat na pagbabantay ang ating gagawin. Sapagkat halos hindi siya mag-respond sa ginawa namin sa kanya. Nahirapan kaming isurvive siya," muling paliwanag ng Doktor. Tumango-tango na lamang si Erickson. Para kasing may nagbara sa kanyang lalamunan at magang-maga ang kanyang bibig. "Prayers are the strongest weapon, Erickson. 'Yan ang mas kailangan ngayon ni Rhie. Ililipat siya sa ICU, para mamonitor siyang maigi. And isa lang ang dapat magbantay." Mahabang saad ng Doktor. "Gawin niyo ang lahat, Doktor nagmamakaawa ako." Sa wakas ay nakapagsalita rin si Erickson. Ngumiti ang Doktor. "Gaya ng sinabi ko, manalig tayo sa kanya! Siya lang ang nakakaalam, kami lang ang instrumento niya." Wika ng doktor. At tinapik niya ang balikat ni Erickson bago umalis. Napatulala si Erickson at marahang sinilip ang kanyang asawa. Napakaraming nakakabit na kung anu-anong aparatus sa katawan nito. Lalo na sa bibig ng asawa. Napasinghot siya at mabilis pinahid ang kanyang mga luha. Awang-awa siyang pinagmamasdan si Rhie mula sa labas. "Masaya ka na ba?" Mula sa likuran niya ay boses ni Rom. Hindi niya ito sinagot. "How I wish ikaw ang naroon sa loob at hindi siya!" Galit na bulong ng binata. "Enough, Rom. I'm begging you," garalgal ang kanyang boses na sagot niya rito. "It'too late, she's dying and endure the pain because you kill her!" Yun lang at umalis na si Rom. Napahikbi si Erickson. Nilapitan siya nina Ram at Vince. Niyakap siya at tinapik-tapik ang kanyang likod. Ilang sandali pa at inilipat na si Rhie sa ICU. Nagpasya si Erickson na babantayan niya si Rhie hanggang sa magising ito. Nangako siya sa kanyang sarili na this time, sasamahan niya si Rhie. Kahit sa magpakailanman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD