ALL OF ME 23
Maaga ngang umuwi si Erickson. Halos paliparin niya ang kanyang sasakyan para makarating agad. Hindi niya alam subalit kinakabahan siya. Hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman.
Halos takbuhin niya ang elevator at inip na inip. Nakahinga lang siya nang makarating na siya sa lapag kung saan naroon ang kanilag condo. Agad niyang binuksan ang pinto. Natigilan siya nang makitang naghahanda si Rhie nang pagkain.
Marahan siyang pumasok. Dahan-dahan siyang naglakad papalapit kay Rhie. Tumingin ito sa kanya at ngumiti.
Napalunok siya, at nagtataka kung bakit hindi ito galit. Hindi siya inaaway at minumura. Kahit man lang sitahin siya.
"Maupo ka na, kakain na tayo!" Sabi ni Rhie sa kanya.
Napipilitan siyang naupo. Nakatitig pa rin siya sa asawa.
"Alin ang gusto mo, itong steak o menudo?" Magiliw na tanong ni Rhie.
Nakatanga lang siya sa asawa.
Nagkukunwari lang ba ito?
"Rhie," mahinang wika niya.
"Hmmm?" Tugon nito sa kanya na nakangiti.
Parang piniga ang kanyang puso. Kitang-kita niya ang mga galit at lungkot sa mga mata nito.
"Rhie," muling sambit niya tila kasi may bumabara sa kanyang lalamunan.
"Kumain na tayo! Magtatampo ang grasya!" Natatawang sagot ng kanyang asawa.
"Rhie! Bakit 'di mo ako kumprontahin?" Wika ni Erickson.
Tumigil sa pagsubo si Rhie.
"Bakit naman kita kukumprontahin? Nagmamahalan kayo, kaya wala akong karapatan." Sagot nito sa asawa.
"Rhie, magalit ka sa akin! Bakit mo tinatago? Kinakabahan na ako!" Nag-aalalang tanong ni Erickson.
"I said, kumain na tayo!" Singhal ni Rhie kay Erickson.
Gulat na gulat si Erickson sa inasal ni Rhie. Ibinagsak pa nito ang kanyang kutsara. Hindi siya umimik at pinilit sumubo. Gusto niyang yakapin si Rhie. Kitang-kita niyang pinanggigigilan ni Rhie ang steak.
Pinapanood niya ito at bumulong-bulong. Hinawakan niya ang kamay ng asawa at nagulat ito sa ginawa niya. Galit itong napatingin sa kanya. Subalit biglang ngumiti.
"Okay lang ako! Kumain ka nang marami," ani nito at nilagyan ang kanyang plato.
Nilagyan niya ito nang nilagyan hanggang mapuno.
"Rhie," anas ni Erickson.
Hindi tumitigil si Rhie sa paglalagay nang pagkain sa plato ni Erickson. Umaapaw na nga ito at natatapon na ang iba.
"Rhie!" Sigaw ni Erickson sa asawa.
Doon lang tumigil si Rhie.
"Rhie, bakit 'di mo ilabas ang kinikimkim mo diyan?" Tanong ni Erickson sabay turo sa dibdib ni Rhianna.
Nanginig si Rhianna at unti-unting bumibilis ang kanyang paghinga. Kumibot-kibot ang kanyang bibig senyales na malapit na siyang maiyak. Subalit sandali lamang iyun. Bigla rin itong ngumiti kay Erickson.
"Sige na! Kumain na tayo!" Nakangiting turan niya at sumubo na ito.
Parang nananinikip ang dibdib ni Erickson sa nakikita kay Rhie. Huwag naman sanang nawawalan na ito nang bait. Dahil hinding-hinding niya mapapatawad ang kanyang sarili.
Nakailang subo lang si Rhie at tumayo na ito. Dumiretso sa kanilang kwarto. Niligpit naman ni Erickson ang kanilang pinagkainan.
Sinundan niya si Rhie sa kwarto dahil kinakabahan siya.
Narinig niyang nasa banyo ito at naliligo. Nakahinga siya nang maluwag. Hinintay niya ito, medyo matagal pero lumabas din sa wakas. Hindi siya tiningnan, humiga ito at nagtalukbong.
Gusto niya sanang makausap ito pero huwag na lang muna. Baka kasi mas lalo lang lalala ang sitwasyon. Bumuntong-hininga siya at tumabi sa kanyang asawa. Pinilit niyang makatulog.
Kinabukasan.
Maagang gumising si Erickson. Mahimbing pa ring natutulog si Rhie. Bumangon si Erickson at lumabas nang kwarto. Tumunog ang kanyang phone. Agad niya iyong tiningnan. Maraming miss calls at message galing kay Bianca.
Binasa niya ang mga iyun at nagitla siya. Agad siyang nagpalit nang damit at nagmamadaling umalis. Pero bago umalis ay hinalikan niya muna si Rhie sa noo nito.
Siya namang pagmulat ni Rhie. Bumangon siya at naghilamos. Nagbihis at kinuha ang susi nang kanyang sasakyan. Dinala niya din ang kanyang laptop. Binuksan niya iyun nang nasa loob na siya ng kanyang sasakyan.
Sinundan niya ang mga binabagtas ng sasakyan ni Erickson. Sinusundan niya ito, malapit- lapit na siya kay Erickson. Lumiko ito sa isang daan. Medyo natigilan si Rhie, dahil tila iba ang dinaanan ng asawa. Subalit sinundan niya pa rin ito. Pumarada ang sasakyan ng asawa sa may lilim ng punong- kahoy.
Pumarada naman siya sa medyo kubli. Nakita niyang naglakad ang kanyang asawa at binagtas ang kalsadang tulay. Malaking ilog ang nasa ibaba niyun at mukhang malalim. Medyo parang probinsya iyun dahil maliblib.
Bumaba rin siya, tinanaw ang asawa na pumasok sa isang kubo. Natigilan siya sandali. Naglakad na rin siya upang sundan ang asawa.
Nasa kalagitnaan na siya ng tulay nang marinig niyang sumigaw ang kanyang asawa na parang masayang-masaya. Napalunok siya at sumikip ang dibdib. Hahakbang na sana siya nang makitang dumarating ang asawa at si Bianca.
Masayang naglalakad. Tumigil si Bianca at humarap sa may ilog.
"Yaho! Kay ganda nang araw! Blessing in disguise!" Masayang sigaw ni Bianca.
Habang si Erickson, nakangiting nakatingin kay Bianca.
Parang may humugot sa puso ni Rhie. Naglalaglagan ang kanyang mga luha. Habang ang kanyang hininga ay papasikip nang papasikip.
"Mahal, thank you for loving me tenderly!" Masayang sabi ni Bianca habang magkatitig sila ni Erickson.
"Naglalambing ka na naman!" Nakangiting sagot ni Erickson at piningot ang pisngi ni Bianca.
Humagikhik si Bianca at muli silang naglakad. Gulat na napatigil si Erickson nang makita si Rhie sa kanilang harapan.
"Rhie!" Bulalas ni Erickson.
Nakatingin lang sa kanila at humihikbi. Kitang-kita ni Erickson ang sakit sa mga mata ng asawa.
"Rhie," anas ni Erickson at unti-unting lumalapit sa asawa.
Hindi ito nagsasalita pero umiiyak ito. Binilisan ni Erickson ang kanyang hakbang pero bago siya makalapit kay Rhie, tumalon ito at nahulog na sa ilog.
"Rhie!" Sigaw ni Erickson
Halos mapaiyak siya sa nakitang pagtalon ni Rhie sa tulay diretso sa tubig. Walang sinayang na sandali ni Erickson at agad din siyang tumalon sa tubig. Napakalalim nu'n at pinilit niyang hinanap si Rhie.
Halos kinakapos na siya nang kanyang hininga pero 'di pa rin niya ito nahanap. Lumutang muna siya at sumagap ng hininga bago sumisid ulit. Nakita lahat iyun ni Rom kaya tumawag siya agad ng mga rescuer. Tumawag din ito nang coast guard bago lumusong sa tubig.