ALL OF ME CHAPTER FIVE

1185 Words
Pagkatapos ang masinsinang pag-uusap nang magkabilang partido ay umuwi na sina Erickson sa kanilang bahay gamit ang private plane ng kanilang pamilya. Agad siyang nagkulong sa kanyang silid at hapong nahiga. Problemado pa rin siya kung paano niya sasabihin kay Bianca ang laht-lahat. Parang wala pa siyang lakas ng loob para magtapat. Narinig niyang may kumatok kaya tinungo niya ang pintuan at bantulot na binuksan iyun. Namataan niyang nakatayo ang kanyang lolo sa harap ng kanyang pintuan. "I'll give you until tomorrow to end your affair with your girlfriend." Malamig na sabi sa kanya ng Don. "I need two days until my birthday," matamlay niyang sagot. "Okay, but be sure to pick up Rhianna tomorrow." Sagot ng kanyang lolo. Bumuntong-hininga siya at tumango. Tinitigan siya ng kanyang abuwelo ngunit nag-iwas siya ng kanyang paningin. "You may think that I am selfish, but you will understand it when the right time will come." wika ng Don sa apo. "Okay, I got it." Maikling tugon ng binata. Yun lang at nagpaalam na ang kanyang lolo. Sinarado niya naman agad ang pintuan ng kanyang silid. Nagpupuyos ang kanyang damdamin at agad niyang dinampot ang flower vase saka ibinato sa dingding. Malalakas ang kanyang paghinga dahil sa pinipigilang pagsigaw sana para maibsan ang kanyang nararamdaman. "s**t!" Mura niya at muli siyang humiga. Nanatili siyang nakatingin sa kisame at natulala. Samantalang kina Rhianna ay hindi naman ito makatulog sa sobrang excitement. Titira na siya sa bahay nina Erickson simula bukas. Araw-araw na niyang makikita ang binata. Titiyakin niyang pagsisilbihan niya ito sa abot ng kanyang makakaya. She will be a good example as a wife sa kanyang magiging husband. Kanina pa siya nakaempake sa tulong ng kanyang yaya. Nakangiti siyang pumikit at masayang pinilit na makatulog. Kinabukasan. Tinatamad na bumangon si Erickson. Parang gusto niyang maghapong nakahiga. Kung puwede sana ay ayaw niyang kumilos. Nagbalik ang kanyang diwa nang may kumatok. "Sino 'yan?" Tamad niyang tanong. "Your Tita, come on! Get up there and pick up Rhianna." Narinig niyang sagot ng nasa labas ng kanyang pintuan. "Okay!" Iritado niyang tugon at padabog na bumangon. Inis siyang naligo at nagbihis. Napakaimportante naman ng babaeng iyun! himutok niya sa sarili. Nakabusangot siyang lumabas sa kanyang kuwarto. Salubong ang kanyang kilay, saka lang niya inayos ang kanyang mukha ng makita niya ang kanyang lolo. Tumingin ito sa kanya. Binati niya ito at tinanguan lang siya. "Nasa airport na si Rhianna, hurry and go there!" ani ng Don. "Sige po!" Mahinang sagot niya at nagpaalam na siya. Tinawag niya ang kanyang personal driver at sumakay na siya sa kanyang kotse. Ayaw niyang mag-drive kaya gusto niyang kasama ang kanyang personal driver. Nakatanaw lang ang mag-ama sa binata habang papalayo ang kotse nito. "He's suffering in pain," sabi ni Gladys sa ama kapagkuwan. "It's better to make him suffer in pain than to regret in his whole life." Sagot ng Don sa anak. "Will he obey us, Dad?" Tanong ni Gladys sa ama. "Yes! He have no choice but to obey me, he will thank me after doing this to him." Tugon ni Don Facundo sa anak. Tumango-tango naman si Gladys. That is why they love their father. Strikto ito pero nasa tama. Iisipin mong minamanipula niya ang iyong buhay ngunit hindi. Inilalagay ka lang niya sa tamang paglalagakan. Alam niyang maiintindihan din ni Erickson ang ginawa ng kanyang lolo sa darating na manga araw. Airport. Kanina pa naghihintay si Rhianna sa departure area. Medyo nababagot na siya sa paghihintay kay Erickson. Mabuti na lang at tumawag si Don Facundo na parating na ang binata. Inayos niyang mabuti ang kanyang sarili para sa binata. Huminga siya nang malalim at ngumiti nang matamis. Muli siyang lumingo sa kanyang paligid at nakita na nga niyang naglalakad si Erickson papalapit sa kinaroroonan niya. Pinagmasdan niya ito. Napakakisig talaga ng binata kahit naglalakad. Matitipuno ang mga bisig nito at malakas ang s*x appeal. Nginitian niya ito nang pagkatamis-tamis. Pilit naman ang ngiting nakapagkit sa mga labi ni Erickson. Humanga din naman ang binata pagkakita kay Rhianna. Nakapusod ang mahaba nitong buhok at walang make-up o lipstick. Inosenteng-inosente itong tingnan at napakaganda. Kumurap-kurap siya at nagkunwaring seryoso. "Hi! Kanina ka pa?" Tanong niya sa dalaga. "Hindi naman," nakangiting sagot nito sa kanya. "Let's go then," aniya at hinila na niya ang maleta ni Rhianna. Masaya namang sumunod si Rhianna kay Erickson. Nginitian din niya ang driver na siyang bumuhat na sa maleta at iniayos sa loob ng kotse. Magkatabi silang dalawa ni Erickson sa back seat. May distansiya man ay masaya na rin siya. Ito na ang simula nang araw-araw nilang pagsasama sa iisang bubong. "Kumusta naman mga parents mo?" Tanong ni Erickson sa dalaga kapagkuwan. "Okay naman sila, they are both happy." Masayang sagot ni Rhianna. "I see," maikling tugon ng binata. Ngumiti lang ng kimi si Rhianna. Hindi na umimik pa ang binata hanggang makarating sila sa mansiyon. Ilang saglit pa at nasa mansiyon na nga sila. Buong paghangang pinakatitigan ni Rhianna ang mansiyon. Napakaganda ito at napakaromantiko ang ambiance ng paligid. Pinagbuksan siya ng binata at marahan siyang bumaba. Nakita niyang nasa main door ang lahat pati na ang Don. Nakangiti silang lahat sa dalaga at malugod siyang winelcome sa mansiyon. Masayang-masaya namn siya at nagpasalamat siya sa mga ito. "Kumusta naman ang biyahe mo, iha?" Tanong sa kanya ng Don nang makaupo na sila sa sala. "Okay naman po!" Nahihiya niyang sagot sa Don. "Mabuti naman, iha feel at home." sabi ni Gladys sa dalaga. "Welcome in our family," wika din ni Ram sa kanya. "Enjoy and relax," ani din ni Vince sa kanya. "Maraming salamat," masaya niyang sagot sa mga ito. Tanging si Erickson lang ang hindi umimik. Tumingin siya sa binata na tahimik lang na nakatingin sa kanya. "Buweno iha, ipapasyal ka ni Erickson mamaya sa buong mansiyon." Sabi ni Don Facundo. Napakislot si Erickson sa kanyang kinauupuan. "May problema ka ba, Erickson?" Tanong ng kanyang Tita Gladys. "Wala naman Tita! May pupuntahan sana ako mamaya." Sagot nito at tumingin siya sa kanyang lolo. Nag-isip sandali si Don Facundo. "Okay, Gladys ikaw na ang bahala kay Rhianna may importanteng pupuntahan si Erickson." Makahulugang turan ng Don. Pumayag naman si Gladys sa sinabi ng kanyang ama. Sapagkat alam niya kung saan pupunta si Erickson. Habang si Rhianna ay matamlay na ngumiti. Hindi man sabihin sa kanya kung ano ang importanteng gagawin ng binata ay alam na niya kung ano iyun. Bawat galaw ng binata ay detalyado sa kanya kaya't hindi na siya umimik pa. Masaya silang nagkuwentuhan at kung saan-saan napunta ang kanilang usapan. Lalong-lalo na nung mga panahong mga bata pa sila ni Erickson. Ilang saglit pa at nagpaalam na sa kanila ang binata. Malungkot na tinanaw ni Rhianna si Erickson habang papalayo. Alam niyang tatapusin na niya ito ang relasyon nila ng kanyang nobya. Malungkot siyang ngumiti. "Let's go?" Untag sa kanya ng ginang. Lumingon siya rito at pilit ngumiti. "Let's go po," sagot niya at sabay na silang naglakad para makita niya ang buong mansiyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD