ALL OF ME CHAPTER FOUR

1178 Words
Pagkatapos lumabas sa hospital si Don Facundo ay agad silang namanhikan sa Europe kung saan nakatira sina Rhianna. Labag man sa kalooban ni Erickson ay wala siyang magagawa. Ni hindi pa nga sila nagkakausap ng nobya niyang si Bianca. Mabibigat ang kanyang mga hakbang nang pumasok siya sa loob ng tahanan nina Rhianna. Nakasunod siya sa kanyang lolo at tita kasama angkanyang mga pinsan. Konti lang sila dahil nga pamamanhikan ang kanilang pakay. Napasinghap siya nang makita niya si Rhianna na nakapulang bestida hanggang tuhod. V-cut iyun sa harap hanggang likod. Kitang-kita ang kaputian at kakinisan ng dalaga. Napalunok siya, hindi mo aakalaing pilipina ang dalaga dahil kakaiba ang ganda nito. "Kumpadre! Nagagalak akong makita na magaling ka na," masayang salubong ni Mr. Aguilar ama ni Rhianna. "Salamat kumpadre!" Masaya ring sagot ng kanyang lolo at nagyakap ang mga ito. Tumingin sa kanya ang ama ni Rhianna at nginitian niya ito. Kahit ang totoo gusto na niyang umatras. "Kumusta ka naman , iho?" Tanong nito sa kanya. "Okay lang naman ho," napipilitan niyang sagot. Tumingin sa kanya si Don Facundo. Muli siyang tumingin sa ama ni Rhianna at yumukod siya, tanda nang kanyang paggalang. Tinanguan siya ng matanda. Napipilitan siyang lumapit kay Rhianna at tinabihan. Nakatingin sa kanya ang dalaga at mukhang masayang-masaya. "You must be, in shocked?" Paanas na tanong sa kanya ng dalaga. Hindi siya nakahuma sa tanong nito. Tumikhim siya at pilit ngumiti. "No. A little bit,"'pagsisinungaling niyang sagot. "Me too," maikling tugon ni Rhianna. "Pumayag ka agad sa gusto nilang mangyari?" Di niya napigilang itinanong dito. Hindi agad sumagot ang dalaga at nilaro-laro ang mga sariling daliri. Nakatungo ito kaya hindi niya nakita ang galit sa mga mata ni Erickson. "Who care? Tradisyonal na sa ating mga may lahing intsik ang arrangement wedding." Mahinang sagot ni Rhianna. "And you didn't even objected?" Tanong na naman ni Erickson sa dalaga. "To be objected the outcome or decision, is it important at all?" sagot ni Rhianna. "But we can change if we objected that arrangement," wika ni Erickson. Mapait na ngumiti si Rhianna at tumingin sa binata. "Then why didn't you do it?" Turan ng dalaga na may pait ang boses nito. "I did! But I failed," mahinang tugon ng binata. "See? there's nothing we can do," sabi ng dalaga. Nag-igting ang mga panga ni Erickson. Tama naman si Rhianna, wala silang magagawa pa. Dapat napaghandaan na niya ito simula pa lang. Bakit nga ba nawala sa kanyang isipan ang mga mangyayari. Napatingin siya sa mga nag-uusap. Kapagkuwan ay tinawag na silang dalawa para pag-usapan ang kasalang magaganap. Sabay sila ni Rhianna na lumapit sa mga ito. Magkatabing naupo sa gitna ng mga nakakatanda. "So, Erickson what would be the best date?" Diretsong tanong sa kanya ni Mr. Aguilar. Hindi siya agad nakasagot at napalunok siya. "Kumpadre, bakit hindi natin itaon sa nalalapit na kaarawan ni Erickson?" Sagot ng kanyang lolo. "Lolo, bakit hindi pagkatapos ng aking kaarawan?" Tutol niya sa sinabi ng kanyang Grandpa. Nagkatitigan silang mag-apo. "Please lolo?" Tila nagmamakaawang sabi niya rito. Gusto niyang makasama si Bianca sa huling pagkakataon. Gusto niyang magkausap sila nang masinsinan. Kahit iyun na lang ang regalo sa kanya ng kanyang lolo sa kaarawan niya. Tila naman nakaintindi si Rhianna sa namumuong tensyon sa pagitan ng dalawa. "It's okay for me, let's give Erickson his last moment as a single." nakangiting wika ng dalaga. Ngumiti si Erickson kay Rhianna kahit napipilitan lang siya. "Okay, that is the final date five days from now." Wika ni Tommy, ama ni Rhianna. Sumang-ayon ang lahat sa nais ni Erickson. Marami pa silang napag-usapan ngunit walang naiintindihan si Erickson. Lutang siya at lumilipad ang kanyang isipan. Kahit anong gawin niya ay hindi siya makapokus sa kanilang pina-uusapan. "Dahil, settled na ang lahat puwede nang tumira si Rhianna sa mansyon." Narinig niyang sabi ng kanyang Grandpa. Agad niya itong nilingon. Gusto niya sana itong tutulan ngunit pinandilatan siya nito. Kaya hindi niya itinuloy ang kanyang sasabihin sana. "No problem! Para naman magkaroon sila nang closure," sagot ng mama n Rhianna. Tumingin siya kay Rhianna at nakatingin dn ito sa kanya. "Yun po kung hindi mamamasamain ni Erickson," tugon ng dalaga. Tiningnan siya ng kanyang lolo. Lumunok muna siya at tumikhim. "Okay lang," maikli niyang sagot. Matamis na ngumiti ang dalaga sa kanya. Nag-iwas siya ng kanyang tingin. Lihim namang nasaktan si Rhianna sa ginawa ni Erickson. Alam niyang napipilitan lang ang binata kagaya ng sinabi sa kanya ng lolo nito. Nagkukunwari lang siyang hindi alam ang lahat. Subalit lingid sa binata ay alam na niya kaya gagawin niya ang lahat mapalapit lang siya sa binata. Dahil mahal na mahal niya ito, magmula pa noon. "Okay, balae susunduin siya ni Erickson bukas." Sabi ni Don Facundo. "Oo balae at nang mabilinan pa namin ang aming anak." sagot ng mama ni Rhianna. Nagkatawanan ang mga ito maliban kay Erickson. "Mukhang hindi masaya ang groom balae," Puna ni Mr. Aguilar sa binata. Pinilit ngumiti ni Erickson sa magiging ama niya. "Hindi lang ho sanay," napipilitan niyang sabi. Muling tumawa ang mga ito. "Balae, ninenerbiyos na yata ang aking manugang?" Wiak nito sa kanyang lolo. "Konti lang balae, papasaan ba at manunuklaw din yan." Sagot ng kanyang Grandpa. Nagkahalo na naman ang mga tawanan ng mga ito na para kay Erickson ay isang sirang musiko na masakit sa pandinig. Muli siyang tumingin kay Rhianna, nakatingin din ito sa kanya. Muli rin siyang nag-iwas ng tingin at umingin sa kabuuan ng bahay nina Rhianna. Magarbo ang bahay at napakaganda. Isa rin itong mansion sa Europe at dalawa lang ang mga ito na magkapatid. Nag-vibrate ang kanyang selpon. Agad siyang tumayo at nagpaalam sa kanila. Lumabas siya at tiningnan kung sino ang tumatawag, si Bianca! "Hello?" Aniya. "Babe? Nagtatampo na ako sayo,ilang araw ka nang hindi pumupuna rito." Sabi ni Bianca. "I'm sorry Baby! Just busy," pagsisinungaling niyang sagot. "Kahit naman busy ka noon, tumatawag ka pa rin ah!" Maktol na sabi ng dalaga. "I'm sorry! Promise babawi ako sayo," pang-aalo niya rito. "Promise mo iyan ah?" Malambing nang tugon ni Bianca sa kanya. "Promise!" turan niya at pinatay na niya ang kanyang selpon para hindi na humaba pa ang kanilang usapan. Papasok na sana ulit siya sa loob nang makita niyang nakatayo si Rhianna sa kanyang likod. Nagitla siya at hindi siy agad nakakilos. "You heard it?" Tanong niya sa dalaga. Tumango si Rhianna. "That's why I don't want this arrangement wedding," Sabi niya rito. "Tapos na ang usapan Erickson, I hope that you will obey the law of being married." Sagot ni Rhianna at nagpaalam na siya sa binata. Sinundan ni Erickson ng tingin ang papalayong si Rhianna. By any chance, dalawa ang kanyang masasaktan kapag sasang-ayon siya. Pero mas marami siyang masasaktan kapag uurong naman siya. At baka makakalaban niya pa ang buong mundo. Napabuntong-hininga siya at tumingin sa malayo. Nandito na ito, haharapin na lamang niya sabi niya sa kanyang sarili a pumasoa ulit siya sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD