ALL OF ME 43 Matagal si Rhie sa loob ng chapel kaya hindi niya alam ang mga nagyayari. Tanging si Vincent lamang at ang mommy nito ang may alam, na nasa critical condition si Erickson. Dahilan sa allergy nito sa anesthesia. Kahit ang mag- ina ay umiiyak na dahil sa natataranta ang lahat. Tatlong doktor na ang tumitingin kay Erickson dahil tila hindi nito nalalabanan ang epekto nang anesthesia. Ayaw nilang malaman ito ni Rhie, kaya't hanggang naroon ito sa loob ng chapel ay sasamahan muna ni Ramsel. "Lumaban ka, Erickson!" Mahinang wika ni Gladys habang umiiyak. Nakayakap naman sa kanya si Vincent. Parehas silang humihikbi. Anuma't ano ang mangyayari, iisa lang alam nila hindi ito kakayanin ni Rhie. Madadamay pa ang bata sa sinapupunan nito. "Diyos ko! Mahabaging Ama, pakiusap po huwa