ALL OF ME 44 Nakaidlip si Rhie sa loob ng Chapel dahil sa kakaiyak. Awang- awa naman itong pinagmasdan ni Ram. Kahit siya ay hindi lubos maisip kung bakit naging masalimuot ang buhay ng mag- asawa. Biglang may tumapik sa balikat ni Ram. Nilingon niya ito at nakita niyang si Vincent 'yun. Bahagya niya itong nginitian. "How's Erickson?" Pabulong na tanong ni Ram kay Vince. Bumuntong- hininga ang binata at marahang umupo. Tumingin siya sa altar. "We thought that we've lost him. But God is powerful, he's overcomed the danger." Mahinang sagot ni Vince. Nakahinga nang maluwag si Ram sa narinig. "Thank God!" Nausal niya saka niya sinulyapan si Rhie. "Kamuntikan na siyang mawala sa atin, but alam kong lumaban siya. Hindi niya hinayaang maiwan ang kanyang mag- ina." Wika ni Vince. Tumango