ALL OF ME 45 Ilang minuto lang at nakarating na si Rhie sa hospital. Maaliwalas ang kanyang mukha na pumasok sa kwarto ni Erickson. Malaya niya itong pinagmasdan at masuyong hinaplos niya ang mukha nito. "Hi! Kumusta naman ang magdamag mo, mahal?" Wika niya sabay punas ng bimpo sa mukha ng asawa. Isinunod niya ang braso at leeg ni Erickson. "Alam mo, masaya na rin ako kahit papaano. Nahuli na rin sa wakas sina Bianca kasama ang mastermind niya." Muli niyang wika. Inayos niya ang kumot ng kanyang asawa pati ang damit nito. Pinahiran niya nang alcohol ang buong katawan ng kanyang asawa. "At alam mo bang, ang kaibigan mong si Emerson ang amo niya? Nakakagulat hindi ba? Pero, okay na ngayon kasi parehas silang nakakulong na." Saad ni Rhie. Nakita niyang gumalaw ang mga daliri ni Eric