ALL OF ME 46 Masayang- masaya ang lahat dahil nagising na rin sa wakas si Erickson. Masasabi na rin ni Rhie na, makakahinga na siya nang maluwag. Dahil natupad na ang lahat nang kanyang hiling. Natupad na ang kanyang mga ipinagdarasal. Makakatulog na siya nang mahimbing sa gabi. Hindi na siya mangangamba at matatakot para sa kanilang mag- asawa. At lalong- lalo nang magiging safe na ang kanilang magiging anak. "Ano nga ulit 'yung sasabihin mo sa akin, pag nagising ako?" Masuyong tanong ni Erickson kay Rhie isang araw. Halos isang linggo na simula nang magising ito. Napangiti si Rhie sa sinabi nang kanyang asawa. "Wala naman akong sinabi ah!" Pagkukunwari ni Rhie. Marahan siyang hinila ni Erickson at sumubsob siya sa dibdib nito. Dahan- dahan siyang nag- angat ng kanyang mukha. Matii