ALL OF ME 47 Kahit mahina ay nagpunta si Erickson sa kulungan kasama si Vince. Para makausap niya si Bianca at upang matuldukan na ang lahat sa kanila. Mag- isa siyang pumasok at naiwan si Vince sa labas. Maya- maya pa'y natanaw na niyang dumarating na si Bianca. Umayos siya nang upo at diretso siyang tumitingin sa dalaga. Nagitla si Bianca nang makita niya si Erickson. Nangatal siya at namutla. Nagbabanta ang kanyang mga luha at kumibot- kibot ang mga bibig nito. Marahan itong naupo kinalaunan at kay Erickson pa rin nakatingin. Nagkatitigan silang dalawa. "Nagulat ka ba ang buhay pa ako?" Tanong ni Erickson dito. Kumurap- kurap si Bianca at nalaglag ang kanyang mga luha. "I'm sorry!" Sagot nito at tuluyan nang napaiyak. Bumuntong- hininga si Erickson. "I gave you the chance para