ALL OF ME 38 Hinatid nga ni Erickson si Rhie sa bago nitong tinutuluyan. Magkasabay silang bumaba ng sasakyan. "Hanggang dito na lang kita ihahatid. Masaya na akong nakita kitang muli." Wika ni Erickson. Tumigil si Rhie at hinarap si Erickson. "Salamat sa paghatid, at huwag mo sanang isiping napatawad na kita. Hayaan mo muna akong makapag- isip. Sa ngayon, gusto ko munang may distansiya tayo." Saad ni Rhie. Tumango- tango si Erickson at malungkot na ngumiti. "Sure! Hindi naman kita pinipilit, subalit huwag mo sana akong pagbawalang makita. Kahit sa malayuan man lang," malungkot na sabi ni Erickson. Hindi sumagot si Rhie pero marahan siyang tumango. Napangiti si Erickson kahit papaano. Hindi na nagtagal si Erickson at nagpaalam na rin siya. Malungkot na hinatid ito ni Rhie nang tana