ALL OF ME 39 Hindi maiwasan ni Rhie na mapangiti nang araw na iyun. Nagpadala kasi ulit si Erickson ng kanyang paboritong bulaklak. At kakaiba ngayon dahil with fruits pa ang mga iyun. Masaya niyang inilagay sa kanyang flowers vase ang mga bulaklak. Nakabihis siya kasing puntahan si Rom. May usapan silang maglakad- lakad sila sa tabing dagat. Nang maiayos ang mga iyun any nagpasya na siyang umalis na. Dumiretso siya sa bahay ni Rom. Hindi na niya ito tinawagan dahil nagmamadali na siya. Ilang minuto lang at nakarating na siya agad. Nagtataka siya kung kanino ang berdeng kotse na nakaparada sa harapan ng gate. Marahan siyang bumaba at pumasok sa gate. Hindi na siya nag- door bell pa dahil sanay na siya sa bahay ni Rom. Medyo nakaawang pinto kaya sumilip siya. Bubuksan na sana niya ito