ALL OF ME 17
Nakatulog si Rhie dahil sa kakaiyak. Nagising lang siya nang maramdamang lumundo ang kama. Agad siyang nagmulat, nakita niya ang kanyang asawa. Dumating na pala ito. Tiningnan niya kung anong oras na, madaling araw na pala.
Nakatalikod ito sa kanya. Kumilos siya para yakapin ito. Naramdaman niyang napaigtad ito. Masakit man sa kanya, makita niya lang ito at makasama ay masaya na siya.
Kinabukasan. Maaga pa ring gumising si Rhie sa kabila nang nangyari. Ipinagluto niya pa rin ang asawa at pinaghanda ng damit. Gaya ng dati, lahat ng gamit ng kanyang asawa ay nakahanda na.
Maya-maya pa ay lumabas na si Erickson. Nakabihis na ito. Nginitian niya ito.
"Good morning! Breakfast is ready," masaya niyang sabi rito.
"Good morning! Anong niluto mo?" Sagot ng kanyang asawa.
Hindi rin sumagot si Rhie. Nilapitan niya ang asawa at hinila.
"Huwag ka nang magtanong pa, umupo ka na at kumain." Turan niya at nilagyan niya ang plato ni Erickson.
Pritong dilis na may kamatis ang inihanda niya at pritong ham. Pinagtimpla niya rin ng kape ang kanyang asawa.
"Thank you! Mukhang tataba ako nito ah!" Nakangising tugon ni Erickson.
"Gusto ko kasi busog ka palagi, para matapos mo lahat ang trabaho mo sa opisina." Nakangiting sagot niya sa asawa.
Tumango lang si Erickson. Kahit papaano ay masaya siya. Tanggap na niyang nag-aadjust pa si Erickson. At tanggap na niyang hindi siya ang mahal, pero gagawin niya ang lahat mapaligaya niya lang ito.
Matapos kumain si Erickson ay nagpaslam na ito sa kanya. Gaya ng dati hinalikan niya ito sa pisngi.
"Ingat ka," pahabol niyang sabi.
Tango lang ang tugon ni Erickson. Nang alam na niyang nakalayo na ang asawa ay bumaba siya. Kinuha niya sa kanyang kotse ang mga binili niya kahapon. Una niyang nilagay ang cctv sa harap ng pinto.
Ang iba pa ay sa sala at kanilang kwarto. Ikinonek niya ang mga iyun sa kanyang laptop. Nang maiayos ay kumain muna siya saka naligo. Lingid kay Erickson ay marunong siya sa electronics at iba pa. Maning-mani sa kanya. Gusto niyang makatiyak na pinaglalaruan lang siya ng kanyang asawa.
Ngayon lang niya nalamang ito siguro ang dahilan kaya gusto niyang dito sila sa condo tumira. Upang patuloy ang relasyon nila ni Bianca.
Matapos iayos ang lahat ay nagbihis na siya at lumabas. Pupuntahan na naman niya ang kanyang asawa. This time ang kotse niya ang puntirya nito. May ilalagay lamang siya.
Mabilis siyang nakarating. Malayo pa lang siya ay nakita na niya ang itim na kotse ng asawa. Nilapitan niya at ikinabit ang tracking device sa ilalim ng kotse. Ngayon, isusunod niya ang kanyang asawa.
Dahil kilala na siya ay tuloy-tuloy na siya sa opisina ni Erickson. Nagulat pa ito nang pumasok siya.
"Rhie?" Bulalas nito.
"Hi!" Nakangiting tugon niya at niyakap niya ito at tinapik.
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Erickson.
"Wala! Dumaan lang ako, papunta kasi ako sa mansiyon." Pagdadahilan niya.
Tumango-tango si Erickson.
"Anyway, ingat ka sa pagmaneho." Turan ng asawa.
"Salamat! Can I have a lunch here?" Wika niya.
"Sure," maikling sagot ni Erickson.
Ngumiti siya. Humalik muna siya sa pisngi nito saka siya tumalikod.
"Rhie," tawag ni Erickson sa kanya.
Nilingon niya ito.
"Hintayin mo na ako, it's already lunch time." Sabi nito sa kanya.
"Okay!" Masaya niyang sagot.
Pasimple niyang sinipat ang kanyang relo sa bisig, oo nga pala. Halos 'di na niya namalayan ang oras. Sabay silang lumabas at pumunta sa restaurant. May kainan sa building pero mas gusto ni Erickson sa paborito niyang restaurant.
Masaya silang nananghalian. Patapos na sila nang tumunog ang selpon ni Erickson. Muli ang selpon na iyun, alam niyang si Bianca ang tumawag. Lumayo si Erickson at sinagot iyun. Hinayaan niya lamang after all, siya ang kasama ngayon.
Pagbalik nito ay nakakunot-noo. Kaya tinitigan niya ito.
"Is there something wrong?" Tanong niya sa asawa.
"Nothing! Kung tapos ka na, bumalik na tayo." Sagot nito sa kanya.
"I'm done," tugon niya.
Yun lang at lumabas na sila sa restaurant. Bumalik na sila sa building. Hindi na sila nag-imikan pa hanggang sa makarating sila.
"Ikimusta mo ako na lang ako kay Lolo." Sabi ni Erickson nang pasakay na siya sa Ferrari nito.
"Sige," sagot niya at tuluyan na siyang pumasok sa loob ng sasakya.
Nagbusina siya bago umalis. Nakita niyang nakatanaw sa kanya ang asawa. Wala na siyang nagawa pa kundi magtungo na nga sa mansion.
Si Tita Gladys lang ang naratnan niya. Ayon dito ay out of the country si Lolo Facundo. Mga dalawang buwan daw doon dahil sa therapy nito. Tumango-tango na lang siya.
Ilang sandali pa ay nagpaalam na siya. Nagpasya na siyang umuwi muna. Gusto na niyang magpahinga. Hapon na kasi kaya oras na para umuwi siya.
Lumipas ang mga linggo na walang ipinagbago ang takbo ng buhay nina Erickson at Rhianna. Ang nag-iba lang, nagkakausap na sila nang matagal. Minsan nagbibiruan subalit madaling araw pa rin itong umuuwi. Kapag tinitingnan niya ang kanyang laptop, nasa malayo ang asawa. Nakikita niya iyun sa tracking device, meaning malayo si Bianca.
Lahat ng sasakyan ni Erickson ay nilagyan niya ng tracking device. At lahat ng gabing umuuwi siya ng late ay alam niya kung saan galing. Na siyang paulit-ulit na dumudurog sa kanyang puso. Na naiilihim niya sa asawa. Nagkunwari siyang bulag at pipi. Dahil umaasa siyang mapapaibig niya rin ang asawa balang araw.