ALL OF ME CHAPTER 18

1128 Words
ALL OF ME 18 Nagulat si Rhie nang umuwi si Erickson na lasing nang gabing iyun. Lasing na lasing ito kaya halos masubsob na ito sa sahig. Agad niyang inalalayan ang asawa at tinulungang makapunta sa sofa. Medyo nahirapan siya dahil mabigat ito. Pag-upo niya ay nasama siya kaya bumagsak siya sa kandungan ng asawa. Natigilan siya at napatitig sa asawa. Tinitigan din siya nito at biglang hinalikan. Pilit niya iyung itinutulak subalit mas lalo itong naging mapusok. At dahil nangungulila siya sa pagmamahal nito ay agad siyang nadarang. Gumanti siya ng halik at mapusok din siyang nakipaghalikan kay Erickson. Sukat doon ay tila parehas silang nauhaw. Parang galing sa disyertong natigang dahil sa walang maiinom. Paulit-ulit siyang inangkin ng asawa sa gabing iyun. Na hindi niya tinanggihan at hinayaang pagsawaan siya ni Erickson. Masakit ang kanyang katawan kinaumagahan. Nagising siyang wala na si Erickson sa kanyang tabi. Marahan siyang bumangon at inilabas ang kanyang laptop. Noon lang din niya namalayang nasa kwarto na pala siya. Samantalang sa sala sila naglampungan. Pinanood niya ang iba pang nangyari. Nakita niyang binuhat siya ng asawa saka hinagkan sa noo. Pinagmasdan siya nito at umiling-iling. Nasaktan siya sa tagpong iyun kaya hindi na niya pinanood ang lahat. Bumangon siya at lumabas papunta sa kusina. May pagkain sa mesa, tiningnan niya iyun. Toasted bread at hotdog. Napangiti siya kahit papaano kaya kinain niya ito. Tumunog ang kanyang phone, kinuha niya iyun at sinagot. "Hi! May ginagawa ka ba?" Boses ni Romeo ang nasa kabilang linya. "Hmmm, wala naman bakit?" Sagot niya. "Hey! Let's take a walk! Sa parke, maraming tourist ngayon." Wika ng binata. "Saan ba 'yan?" Tanong niya rito. "Sa blooming park! Maaliw ka roon, promise!" Turan ni Romeo sa kanya. Na-isip siya sandali, gusto niya ring makahinga kahit saglit. Para kasing nasasakal na siya. "Rhie?" Ani ng binata. "Okay! I will be there in twenty minutes!" Pagsang-ayon niya at pinatay na niya ang kanyang phone. Nagmamadali niyang inubos ang kanyang pagkain at dumiretso na siya para maligo. Nagsuot siya ng kulay orange na bestida hanggang tuhod. Walang manggas iyun at hapit na hapit. Bahagya lang siyang naglagay ng lipstick. Kinuha niya ang susi ng kanyang sasakyan at bumaba na siya. Madali lang siyang nakarating dahil may direksyon naman. Naka-auto direction ang sasakyan ni Erickson. Bago bumaba ay inilabas niya muna ang kanyang laptop at tiningnan kung nasaan si Erickson. Nakita niyang malapit lang sa kinaroroonan niya ang asawa. Tumingin siya sa paligid. Napakaraming tao at napakalawak niyun. Nagulat siya sa katok mula sa salamin ng kanyang sasakyan. Agad niyang itinago ang laptop at bumaba na siya. Nabungaran niyang si Romeo ang kumakatok. Nakangiti ito sa kanya at humahangang tinitingnan siya. "Hanep! Walang pinagbago! Maganda pa rin," nakatawang sabi nito. Hinampas niya ito. "Bolero! Alam ko na 'yan, dati pa!" Nakatawa ring sagot niya. Nagkatawanan sila. "Shall we go?" Wika ng binata. Tumango siya at naglakad na sila. Una nilang pinuntahan ang mga iba't-ibang klase ng gumamelang namumulak-lak. Iba't- ibang kulay ang mga bulaklak ng mga ito, napakaganda. Sumunod ang mga bonsai na halaman, mga oldies plants at kung anu-ano pa. Naroon na yata lahat ng mga halamang namumulaklak, tunay ngang nakakawala nang problema. Nang mapagod ay, naupo sila sa isang maliit na kubo. "What can you say about this place?" Masayang tanong sa kanya ni Romeo. "Amazing and perfect! I love it!" Masaya ring sagot niya. "Grabe! Andaming lovebirds sa tabi," nakangising sabi ng binata. Tumingin din siya sa paligid. Tama si Romeo, maraming mga magkakaparehang namamasyal. Mga masasayang magkakapareha. Medyo lumungkot ang mukha ni Rhie. "Wait here! Bibili lang ako nang meryenda natin," untag sa kanya ni Romeo. Pinilit niyang ngumiti. "Sige!" Tugon niya. Pagkaalis ni Rom ay lumabas din siya ng kubo. Naglakad-lakad siya hanggang dulo, napapaisip siya. Talagang napakaganda ang lugar na iyun, kaya blooming park ang pangalan. Kasi puro bulaklak ang mga nandu'n, mga naggagandahang bulaklak. Pabalik na sana siya sa kubo nang mapansin niya ang dalawang parehang nakaupo sa medyo liblib na kubo. Pinagmasdan niyang maigi ang mga ito dahil nakatalikod sila. Medyo lumapit siya at nagkubli. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang sina Erickson at Bianca iyun. Nakahilig pa ang babae sa balikat ng kanyang asawa. Nanuyo ang kanyang lalamunan at hindi alam ang gagawin. Naisip niya ang kanyang kamera. Nagmamadali siyang bumalik sa kanyang sasakyan. Kinuha niya iyun at kinunan ng litrato ang dalawa. "Hey! Anong ginagawa mo rito?" Boses ni Rom mula sa likuran niya. Napaigtad siya pagkarinig sa binata. "Nanggugulat ka naman!" Pasimpleng turan niya. Tumawa si Rom. "Ano nga ang ginagawa mo rito?" Paulit na tanong ng binata. "Wala! Kumukuha lang ako nang mga litrato!" Pagsisinungaling niya. "Alam mo bang bawal 'yan kapag nakita ka?" Pabulong na sabi ni Romeo. "Ganu'n ba? Hindi ko na naman alam," sagot niya. "It's okay! Tara na, balik na tayo sa kubo." Wika ng binata. Sumunod siya sa binata at muli siyang lumingon sa kinaroroonan ng dalawa. Halos magsikip ang kanyang dibdib, dahilan para matapilok siya. "Ouch!" Daing niya. Agad napalingon si Rom sa kanya. Nilapitan siya nito at tiningnan ang kanyang paa. Hinilot-hilot ng binata ang kanyang paa. Napaiyak siya dahil hindi niya napigil. "Masakit ba?" Nag-aalalang tanong sa kanya ni Rom. Tumango na lamang siya at baka bumulalas siya ng iyak. "What are you doing here, both of you?" Walang anu-ano'y boses ni Erickson mula sa tagiliran nila. Kapwa sila napatingin dito. Nagkatitigan silang mag-asawa. Nauna siyang nagbawi ng tingin. "Ipinasyal ko siya, mukhang hindi mo na kasi naasikasong ipasyal siya." Si Romeo ang sumagot. "Kailan mo pa responsibilidad si Rhie?" Maanghang na tanong ni Erickson kay Romeo. "Since we're become friends!" Walang gatol na tugon ng binata. Nagkasukatan ang dalawa ng tingin. Bumaba ang tingin ni Erickson sa kanyang paa ma hawak pa pala ni Rom. "Anong nangyari sa kanyang paa?" Tanong na naman nito ulit. "Natapilok kasi siya kaya hinihilot ko," sagot na naman ni Rom. "Ganu'n ba kalala upang mapaiyak siya?" Tanong na naman ng kanyang asawa. Matalim siya nitong tinitigan. Muli siyang nag-iwas ng kanyang tingin. "Let me carry her," maawtoridad na sabi ng kanyang asawa kay Rom. Lalapit na sana ito nang bigla siyang tumindig ng tayo. "O-okay na ako! Kaya ko nang maglakad," tutol niya. Tiningnan siya ng kanyang asawa. "Are you sure?" Nag-aalalang tanong ni Rom sa kanya. Tumango siya. "Well then, enjoy your day babalik na ako sa opisina. Take care my wife, bestfriend." Sabi ni Erickson sabay tapik sa balikat ng binata. Nilagpasan siya nito na hindi tumitingin sa kanya. Kaya nadagdagan ang sakit na nararamdaman niya. Tumingim siya kay Romeo at pinilit ngumiti. Nagkibit-balikat lang ang binata at bumalik na sila sa kubo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD