ALL OF ME CHAPTER 15

721 Words
ALL OF ME 15 Nakarating si Rhie sa kumpanya ng kanyabg asawa. Pinagmasdan niya ito. Napakataas ng building at napakaganda. Gusto niya sanang bumaba pero pinigilan niya ang kanyang sarili. Mamaya na niya pupuntahan ang asawa kapag malapit na ang lunch. Dumiretso siya sa isang mall malapit sa building ni Erickson. Marami siyang gustong bilhin. Mga mahahalagang gamit. Nauna siyang pumunta sa puwesto ng mga gadget. Bumili siya ng video-cam gadget at tracking device. Bumili din siya ng mini computer. Apat na tracking device ang binili niya. Bumili rin siya ng cctv. Halos magtaka ang may-ari ng puwesto. Ngunit nginitian niya lamang ito. Naglibot-libot muna siya at bumili ng mga nakita niyang wala sa condo. Nang wala ng maisip pa si Rhie ay nagpasya na siyang bumalik sa building ng asawa. Bumaba siya at nginitian ang mga guwardiya. "Miss id niyo po?" Wika ng isa. Pinakita niya ang kanyang id na bago. Tiningnan iyun ng guwardiya at nanlaki ang mata nito. Bigla itong yumukod. "Sorry po ma'am!" Bulalas nito. "It's okay! My first time to come here," nakangiting sagot ni Rhie. Dali-daling binuksan ng mga guwardiya ang pinto. Pumasok siya sa loob. Nakita niyang nagtitinginan ang mga empleyado. Nagbubulungan pa ang mga ito. Inalis niya ang kanyang salamin, tumigil ang mga ito at napanganga. Lumapit siya sa information desk. Ngumiti siya sa mga ito. "Magandang araw po! May schedule po ba kayo kay Mr. President?" Magalang na sabi ng isa. Maamo ang mukha nito at palangiti. "Wala naman!" Maikling sagot niya. "Naku! Baka po magalit iyun marami po kasi siyang ginagawa." Napangiwing saad ng babae. Nginitian niya ito ulit at pinakita ang kanyang id at singsing sa kanyang daliri. Halos mabitawan ng babae ang kanyang id. Nagkatinginan ang mga ito at namula sila. "Sorry po! Madam, itatawag po ba namin kay Sir?" Bulalas ng isa. "No need! I want to surprise him?" Pagtutol niya. Nagpasalamat siya at nagtungo na siya sa kinaroroonan ng asawa. Sumakay siya ng elevator, alam niyang nasa third floor ang kanyang asawa. Nasabi na ito ni lolo Facundo. Nakita niya ang sign na main office of the President. Humakbang siya papalapit at kumatok siya. Walang nagbukas, kaya kumatok siya ulit. Kakatok sana ulit siya ng may babaeng lumitaw sa kanyang tagiliran. "Sino po sila?" Tanong ng babaeng nakasalamin. Tiningnan niya ito. Bahagya itong nagulat pagkakita sa kanya. "Kayo po pala, Madam!" Ani nito. Napakunot siya ng noo. "How did you know me?" Tanong niya sa babae. "Nandoon po ako nung kasal niyo, Madam." Nakangiting sagot ng babae. Tumango-tango si Rhie. "Nag-lunch na ang boss mo?" Tanong naman niya rito. "Hindi pa nga po! Puwede na kayong pumasok madam." Wika nito. "Sige, salamat. What's your name?" Sabi niya rito. "Nina Madam! Nice meeting you po!" Masayang tugon ni Nina. Tinanguan niya ito at pumasok na siya. Nakita niyang malawak ang loob. Parang bahay lang, may sala at mga bookshelves. May dalawang kwarto. Isang office at pahingaan na kuwarto. Kumatok siya sa office room. "Come in!" Narinig niyang sinabi ng asawa. Pinihit niya ang seradura at pumasok siya. Nakita niyang nakatalikod ito at may kinukuha sa likuran nito. Dali-dali siyang lumapit at yumakap sa likod ng asawa. Agad humarap sa kanya si Erickson at nagulat. "Rhie!" Bulalas nito pagkakita sa kanya. Agad niya itong hinalikan sa pisngi. "Hi! Kumain ka na ba?" Malambing niyang tugon. Nag-iwas ang lalaki at pumunta sa swivel chair nito. "Nagugutom na ako, kaya dinaanan kita." Muling sabi niya. "Saan ka pumunta?" Tanong ng asawa. "Wala! Nag-grocery lang ako," kaswal niyang sagot. Tumahimik ang kanyang asawa at may isinulat. Nanatili siyang nakatayo. "Saan mo gustong kumain?" Maya-maya ay tanong nito sa kanya. Napangiti si Rhie kahit papaano. "Ikaw? Kung saan mo gusto," nahihiya niyang sagot. "Tama ka, I want to get out this room. It's toxic here, let's go!" Wika ni Erickson at isinuot na nito ang coat. Lumapit ito sa kanya at kumapit naman siya sa bisig ng asawa. Napasulyap siya sa kanyang asawa, blangko ang ekspresyon ng mikha nito. Hindi na niya pinansin iyun. Ang mahalaga ngayon sa kanya ay hindi siya ikinakaila ng kanyang asawa. Lalo na sa publiko, nakita niya ang inggit at saya sa mukha ng mga empleyado ni Erickson. Nakadama naman si Rhianna ng kasiyahan ng mga sandaling iyun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD