ALL OF ME CHAPTER 14

1129 Words
ALL OF ME 14 Nagising si Rhie na madilim na ang paligid. Marahan siyang bumangon at naramdaman niyang kumalam ang kanyang sikmura. Napahaba pala siya ng tulog, ganito kasi siya kapag nagpupuyat. Mahina ang kanyang katawan sa puyatan. Nagtungo siya sa kusina at nagluto. Kahit sinabi na ng kanyang asawa na gagabihin siya ay pinagluto niya pa rin ito. Nang makaluto ay kumain na rin siya. Sinigang na bangus ang kanyang niluto dahil nasasabik siya sa maasim na sabaw. Pagkakain ay naligo na rin siya. Saka umupo sa sala at nanood ng palabas sa tv. Maghihintay pa rin siya kahit gagabihin si Erickson. Papapikit na ang kangyang mata nang bumukas ang pinto. Agad siyang nagmulat at tumayo. Sinalubong niya ang kanyang asawa. Gulat namang napatingin sa kanya si Erickson. "Gising ka pa? Di ba sabi ko sayo gagabihin ako?" Sabi nito sa kanya. Nginitian niya ang kanyang asawa. Kinuha niya ang attache case nito at inaayos sa tabi. "Okay lang! Maghapon naman ako natulog, kumain ka na ba?" Mahinahong wika niya sa asawa. Parang wala lang siyang natuklsan. "Hindi pa nga eh! Masyado kasing mahaba yung bid namin kanina." Matapat na sagot ni Erickson. Nilapitan siya ni Rhianna at tinulungang alisin ang kanyang kurbata. Kahit naiilang si Erickson ay hinayaan na lamang niya ito. Sumandal siya sa sofa. Sinunod ni Rhianna na inalis ang kanyang coat at dinala iyun sa may laundry basket. "Umupo ka na muna diyan, ipaghahain kita." Nakangiti pa ring sabi niya sa kanyang asawa. Tumango lang si Erickson at pumikit. Sumakit ang kanyang ulo mula pa kaninang umaga. Idagdag pa ang kanyang puyat sa pag-asikaso kay Bianca na lasing kagabi. Maraming nakatambak ngayon na trabaho sa kanyang kumpanya. Kaya magiging busy siya this coming days. "Halika ka na, kumain ka na para makapagpahinga ka na." Untag ni Rhie sa asawa. Nagmulat si Erickson at tumayo papunta sa kusina. Masayang pinagmamasdan ito ni Rhie. Makita niya lang itong maganang kumakain sa kanyang mga luto, masaya na siya. Kahit pa sabihing hindi siya ang mahal nito. Tatanggapin niya, gagawin niya ang lahat matutunan lang siyang mahalin. "Are you sick?" Tanong ni Erickson sa kanya nang mapansing nakatulala siya. Pinilit niyang ngumiti. "Oo naman! May naalala lang ako," pagkakaila niya rito. Tumango-tango lang si Erickson. "Siya nga pala kapag nababagot ka, puwede kang lumabas at mamasyal." Turan ni Erickson kapagkuwan. "Oo, salamat." Kimi niyang sagot. "Iiwan ko sayo ang master card ko bukas para may gagamitin ka." Sabi ng kanyang asawa. "Hindi na meron naman ako!" Tanggi ni Rhie. "I insist! Tanggapin mo na lang baka mamaya, matuklasan ni lolo pagalitan na naman ako." Seryosong saad ni Erickson. "Sige," maikli niyang tugon. Yun lang at tumayo na si Erickson sa hapag at nagtungo na sa silid. Mabilis namang nilinisan ni Rhie ang mesa at hinugasan ang plato ng asawa. Pagkatapos ay nagtungo rin siya sa silid. Narinig niyang naliligo si Erickson. Inihanda naman niya ang damit na gagamitin ng asawa at lumabas na siya. Muli siyang naupo at nanood sa sala. Matagal siyang nanood kaya hindi na namalayan ang oras. Hindi na rin lumabas pa si Erickson. Malungkot niyang pinatay ang tv at nagtungo na rin siya sa silid. Pagbukas niya ng pinto ay nakita na niyang nakatulog na ang asawa. Pinagmasdan niya ito at hinaplos ang mukha. Ito pa rin ang Erickson na minahal niya mula noon. Ngunit nagbago na ang damdamin nito para sa kanya. Pinigil niyang huwag mapaluha, hinagkan niya ito sa noo. Tumabi na siya sa pagtulog at yumakap sa asawa. Kinabukasan. Nagising si Erickson sa mabangong naamoy niya. Bumangon siya at nagtungo sa banyo para maghilamos. Pagkatapos ay lumabas na siya. Nakita niyang naghahain na si Rhie sa kusina. Ngumiti ito sa kanya nang makita siya. "Halika na! Kumain ka na muna bago ka pumasok," sabi nito sa kanya. Tumango lang siya atsaka lumapit. Umupo siya sa harap ng hapag at nagsimulang kumain. Pritong itlog at pritong tinapa ang niluto ni Rhie. Saka nagluto pa ito nang sinangag kaya naglaway si Erickson. Dumighay pa ito pagkatapos kumain. Napahagikhik naman si Rhie sa narinig. "Pasensiya ka na! Masarap eh!" Nahihiyang wika ni Erickson. "Okay lang! Masaya nga ako at nasarapan ka!" Nakangiting sagot ni Rhie. "Maliligo na ako at baka malate pa ako!" Turan naman ni Erickson. "Sige na! Magbihis ka na roon, okay na ako rito." Masayang wika ni Rhie sa asawa. Tumalima naman si Erickson at nagtungo na sa kanilang kwarto. Masaya namang hinugasan ni Rhie ang kanyang mga ginamit. Isinunod niya ang mga pinag-kainan ng asawa. "Papasok na ako! Yung master card nasa ibabaw ng tokador." Narinig niyang sabi ni Erickson. Nilingon niya ito at nagpunas siya ng kanyang kamay. Mabilis siyang lumapit dito at kinuha ang attache case. Iniabot niya sa asawa at hinatid niya ito sa may pinto. "Ingat ka!" Mahinang sabi niya rito. Tumango lang si Erickson at naglakad na palayo. Nakatingin lang siya sa asawa hanggang sa mawala na ito sa kanyang paningin. Pumasok siyang muli at ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa. Matapos siya sa paghuhugas ay nagtungo siya sa kanilang kwarto. Naalala niya ang phone na nasa pantalon ni Erickson. Binuksan niya ang closet at hinanap iyun. Kinapa niya ang pantalon ni Erickson subalit wala na roon ang phone. Nanlumo siya, mukhang nakalimutan lang ng kanyang asawa iyun kahapon. Napaisip siya. Nang may maisip ay nagmamadali siyang naligo. Napagpasyahan niyang subukang lumabas. Para hindi siya mabagot. Mamamasyal siya bago sumaglit sa kumpanya ng asawa. Sosorpresahin niya ito. Bakit nga ba hindi niya maisip na kapag papasok na ang kanyang asawa ay lalabas din siya, for spying? Hindi pero, for monitoring of her husband. Nababaliw man siya, pero mas mababaliw siya kapag nandito lang at nag-iisip. "Ma'am!" Narinig niyang boses ni Aling Marie. "Nagbibihis po ako!" Sigaw niyang sagot. "Ay! Sige po! Akala ko walang tao," narinig niyang tumawa pa si Aling Marie. Napangiti rin siya at natawa. Kahit papaano ay nawiwili siya kay Aling Marie, madaldal kasi ito. Nakakatawa kung minsan. Pagkabihis niya ay lumabas na siya. Nakita niyang naglilinis ito sa mga bintana. Lumingon ito sa kanya. "Wow! Ang ganda mo talaga ma'am!" Bulalas ng matanda. Tumawa siya ng mahina. "Hindi naman po!" Kimi niyang sagot. Nakasuot kasi siya ng hapit na slacks at damit na kulay yellow. Mahaba ang manggas at naka-tuck in siya. "Para kang isang attorney ma'am ah!" Muling sabi ni Aling Marie. "Naku! Pero salamat po! Lalabas po ako, kapag natapos na po kayo rito isara niyo na lamang po." Nakangiting tugon niya rito. Tumango si Aling Marie at nagpaalam na siya. Sumakay siya sa elevator hanggang parking area. Tinungo niya ang Ferrari ng asawa. Marunong naman siyang magmaneho kahit papaano. Lumabas siya sa building na iyun at gumawi siya sa direksyon papunta sa kumpanya ng asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD