ALL OF ME 32 Natuloy din kinabukasan ang paglilinis nina Rhie at Aling Marie. Pinagtulungan nilang nilinis ang buong condo. Ang mga labahin ay iuuwi na lang ni Aling Marie dahil marami iyun. Pagkatapos malinisan ang condo ay isinunod nila ang mga sasakyan. Salitan sila ni Aling Marie na naglinis. Tapos na siya sa Ferrari kaya si Aling Marie ang naglinis sa dirty white na sasakyan. Naupo siya sandali sa loob ng Ferrari. Napapikit siya nang may biglang nag-sink in sa kanyang isipan. Nakaupo rin siya at nagda- drive. Nakarating siya sa isang mall at namili. Naalala niyang bumli siya ng laptop, cctv, camera at tracking device. "Ma'am?" Untag sa kanya ni Aling Marie. Agad siyang nagdilat at napatingin sa matanda. "Sa inyo po yata ito," wika ni Aling Marie sabay abot sa kanya ang camera.