ALL OF ME 33 Nagising si Rhie kinaumagahan. Medyo mabigat ang kanyang ulo kaya nanatili siyang nakatingin sa kisame. Tumagilid siya at nakita niyang nakaunan si Erickson sa gilid ng kama. Nakaupo ito at tila napuyatan. Pinagmasdan niya ito at hinaplos ang buhok. Gumalaw si Erickson at agad nagmulat. "Gising ka na pala!" Bulalas ni Erickson na nakangiti. Tumango si Rhie at ngumiti rin ito. "Kumusta na ang pakiramdam mo, hon?" Tanong ni Erickson. "Okay na, medyo mabigat lang ang ulo ko. Sorry kung nag-alala ka, pero hindi ko matandaan ang mga nangyari." Sagot ni Rhie. "Huwag mo nang isipin 'yun! Ang mahalaga, mabuti na ang pakiramdam mo." Tugon ni Erickson. "Salamat, hon." Masayang sabi ni Rhie. Niyakap naman ni Erickson ang kanyang asawa. Nagpaalam siya rito at nagluto ng kanilang