"Kahit na gano'n ang sinapit ng pamilya mo Don Eliazar, hindi pa rin tama na gantihan mo ang mga taong naninirahan dito sa Sitio dahil hindi sila ang may kasalanan kung bakit namatay ang mga magulang mo. Wala silang kinalaman sa mga pangyayari dahil napakatagal nang panahon na nangyari iyon! Kahit na anuman ang sabihin mo isa kang makasalanan, wala kang karapatang kitlin ang buhay nila dahil hindi ka Diyos! Kailangang pagbayaran mo ang lahat ng mga kasalanan mo lalo na ang pagkamatay ng aming mga kasamahan!" wika naman ng Nanay ni Smile. Hindi lamang kumibo si Don Eliazar pero nakangisi itong nilibot ang paningin sa mga taong nasa paligid nila. Alam niya na makahulugan ang tingin na iyon at nakaramdam siya ng bahagyang kilabot. Ilang sandali pa ay napansin nila na tila nanginginig ng bah