Halos paliparin na ni Kapitan Rab ang kanyang sasakyan sa takot na baka sundan sila ng mga tauhan ni Don Eliazar. Buti na nga lang matapos nila ni Jackie na magniig, nagawa pa niyang maisuot ang kanyang short kung hindi siguradong tatakas siya ng wala ni anumang saplot. Wala pang 30 minutes bago sila nakarating sa Sitio. Ang lahat ay nagtataka pagkakita sa pagbaba ni Smile at ni Don Eliazar. "Ano ang ginagawa ng hayop na matandang iyan dito?!" galit na tanong ng isang Ginang, ito ang asawa ng namatay na unang inutusan niyang humingi ng tulong. "Bihag po natin siya Manay, kailangan hawak natin siya hanggang makarating lamang ang tulong mula sa gobyerno," paliwanag ni Smile dito. Mabilis na sinugod ni Doydoy duguang si Don Eliazar at pinagsusuntok sa mukha. Mabilis naman niyang inawa