"Mukhang kakailanganin mo rin ito Don Eliazar. Alam ko kung ano ang laman ng botelyang ito, at alam na alam mo rin ang laman ng isa pang botelyang ito!" nakangising wika niya, sabay labas pa ng isa pang botelya na naglalaman naman ng virus. Sabay nakangising tumingin sa basong ininumn nito kanina. Napamulagat ito ng mapansin ang pagtingin niya sa baso. "H'wag mong sabihing..." bulalas nito pero hindi na naituloy dahil agad siyang tumawa ng malakas. "Nakuha nyo Don Eliazar! Aaahh, sa pagkakaalam ko, ilang araw lamang ang itinatagal ng nakainom nito diba? Ngayon ko lang napagtanto, kaya pala nagmula ang sakit na kumalat sa aming Sitio ay sa pamilya ni Aling Waling dahil siya ang dati mong mayordoma dito at siya ang ginamit mo para ipakalat ang virus na ikaw mismo ang nilikha para maub