Kinabukasan bumalik nga silang lahat sa kanilang nayon sakay ng sasakyan na provide ng kanilang Mayor. Ang mga groceries, bigas at kung ano-ano pang padala din ng gobyerno ay sakay naman ng isang truck. Napakalaking hamon sa kanila ang magsimula muli lalo pa at marami ang namatay sa kanilang mga kanayon na mga kaanak naman ng kanilang kasamahan ngunit dahil sa tulong ng gobyerno ay malaking tulong ito para muli silang makapagsimula. Gamit ang perang ibinigay nang gobyerno, ipinagawa niya ang mga kabahayang nasira. Naglagay na din siya ng isang pharmacy na pag-aari ng kanilang nayon, binibenta man nila pero mas mababang presyo para may maibili pa sila kapag naubos. Nagtayo na rin sila ng grocery na pag aari ng kanilang nayon at nagtalaga siya ng taong magpapatakbo niyon. Tinitiyak niy