"ANAK! ANAK KO!" narinig niyang wika ng kanyang Ina, halata ang pag-aalala sa boses nito. Napangiwi siya sa sakit na naramdaman, parang hindi siya makakilos dahil sa sobrang sakit ng kanyang katawan. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata, nasilaw pa siya sa sinag ng araw na nagmumula sa isang bintana. Napakunot ang kanyang noo dahil hindi pamilyar ang lugar na kinaroroonan nila ng kanyang mga magulang. Isa pa may naririnig siyang mga ingay, ingay ng mga tao at ingay ng mga sasakyan. Maya-maya ay bumukas ang pintuan ng silid na iyon pumasok ang isang lalaking nakasuot ng puti at isang babae nakaputi din. Doon niya napagtanto na Doktor at Nurse ang mga ito. Napamulagat ang kanyang mga mata at tumingin sa kanyang mga magulang na tila nagtatanong. Hindi siya makapaniwala sa