Nagising si Smile sa pagbuhos ng tubig sa kanya, halos malunod siya sa ibinuhos sa kanya parang isang timbang tubig iyon. Napansin niya na nakatali na siya sa isang silya katulad nina Kapitan Rab at iba pa nilang mga kasamahan. "Gago kang babae ka! Nasaan na ang antidote?! Ilabas mo kung hindi uubusin ko itong mga k-kasamahan nyo! Tang*na, ilabas mo na, hirap na hirap na akong huminga!" Galit na pahayag ni Don Eliazar, nahihirapan na ito sa pagsasalita pero mabangis pa rin ang anyo nito. "Wala sa akin, pero alam ko kung nasaan. Ngunit sa tingin mo papayag ako na makuha mo iyon? Damay-damay na to Eliazar! Mamamatay kami pero titiyakin kong susunod ka!" galit na pahayag niya sabay dura sa lupa, pinapakita niya na nasusuklam siya dito. "Hay*p kang babae ka! Uubusin ko ang lahi ninyo kap