NASURPRESA si Olivia nang dalawin siya ni Natalie. May dala itong isang basket ng prutas. Malamang kagagaling lang nito sa school. “Kumusta ka na? Balita ko si Val ang nagdala sa ‘yo sa ospital kahapon,” ani Natalie. “Oo. Nakita mo ba sa school si Val?” Nasa sala sila at nagmemeryenda. “Hindi ata siya pumasok sa school. Ang sabi ng iba, baka nagpapahinga siya. Alam mo bang trending ngayon sa buong campus ang nangyari kahapon? Marami ang nagulat sa ginawa ni Val. Bigla pala siyang sumuong sa apoy para lang mailabas ka sa laboratory. At ang nakapagtataka roon, hindi man lang siya nasunog o nagalusan. May nakakita na hindi man lang siya tinablan ng apoy,” kuwento ni Natalie. Kinabahan siya. Baka kaya hindi pumasok si Val ay dahil may dinaramdam ito sa katawan. Pero nakausap naman niya it