NADISMAYA si Valtazar sa kanyang naramdaman mula sa presensiya ni Olivia. Lalong lumakas ang spiritual nitong abilidad. Kargado ng malalakas na orasyon ang katawan nito. Hindi siya makapaniwala. Ang akala niya’y nagawa na niyang kontrahin ang kapangyarihan ng psychic sa sistema nito. Ngunit bakit lalo itong lumakas bagay na kayang sindakin ang pagiging diablo niya? Pagdating sa bahay ay dumeretso siya sa kanyang kuwarto. Pinagmasdan niya ang kanyang sarili sa malaking salamin. Habang lumilipas ang sandali ay nakikita niya sa repleksiyon niya sa salamin ang devil side niya. Maaring ganoon din ang makikita ng ordinaryong tao sa repleksiyon niya kapag humarap siya sa salamin. “Damn! I hate this!” usal niya. Tinakpan niya ng puting tela ang salamin saka siya lumabas ng kuwarto. Nagtungo siy