24

1404 Words
3rd Person's POV; "Malaking gulo ang haharapin natin pag--- pag tinuloy mo ang balak mo Arkhon." "Kailan ka pa natutong matakot Cross?" Natatawang sambit ni Arkhon. "Akala ko ba gusto mo gumawa ng sarili mong daan, malayo sa pamilya ng mga Acosta at hindi iba sa tinadhana. Bakit natatakot ka---." "Hindi ako natatakot para sa sarili ko Arkhon, alam kong alam mo na wala naman mawawala sakin pero sayo Arkhon sobrang dami. Yung position mo sa C-lite, sina tita, ang kapatid mo pati lahat ng estudyante ng C-lite magiging iba ang tingin sayo." Putol ni Cross. "Alam ko." Sagot ni Arkhon bago ngumiti. "Tapos na ako sa pagiging President ng C-lite, pagiging perfect student, perfect son at sa lahat. Gusto ko lang ngayon maging masaya, maging totoo at makuha kung ano man ang totoong gusto ko." Dagdag ng lalaki bago hawakan ang kamay ni Cross at iinterwined yun. "Buong buhay ko lumakad ako sa daan na ibang tao ang gumawa at nagdecide. Cross gusto ko na din maging malaya, sumama sayo at harapin ang mga bagay na buong buhay kong kinatakutan." "Isang bagay lang ang hihilingin ko sayo Cross, samahan mo ako." Bulong ni Arkhon na kinalambot ng expression ng binata. "Arkhon." Bulong ni Cross bago yakapin si Arkhon ng mahigpit. "Walang kasiguraduhan ang haharapin natin pareho pero hanggat't magkasama tayo, masaya ako at ... kuntento." --- "Pano mo nagawang sirain ang plano ni Janus habang may mga taong nagbabantay sayo." Tanong ni Cross habang nakasandal sa headboard at sa mga hita niya nakahiga si Arkhon na nakapikit. "Sirain?" Tanong ni Arkhon bago minulat ang mga mata at tingnan si Cross. "Secret ko na yun." Sagot ni Arkhon na kinapokerface ng binata. "Ang mahalaga nailigtas kita." Sagot ni Arkhon ng---. "Leader may mga dala kaming pagkain." Ani ni Chase matapos buksan ang pinto habang nakatakip ang mga kamay sa mata. "Nakadamit naman kayo diba?" Tanong ng lalaki na kinatawa ni Arkhon. *blaag!* "Fuck." Mura ni Chase ng may lumipad na unan sa mukha ng lalaki. "Sa tingin mo gagawin namin yun dito? =_=." Tanong ni Cross. "Tangna ang sakit, mas mabuti na yung sigurado. Ayoko ng makakita ulit ng live---." Naisara ni Chase ang pinto ng makadampot si Cross ng lampshade na agad naman nahawakan ni Arkhon bago lumipad. "Easy babe masyado kang mainit." Natatawang biro ni Arkhon na kinagusot ng mukha ng binata. "Babe your face, stop calling me that freaking endearment Asuncion. It gives me a f*****g goosebump." Inis na sambit ni Cross. "Anong gusto mo? Honey,sweety,baby, hubby, wif---." "Ituloy mo yan lilipad itong kamao ko sa mukha mo. =_=" banta ni Cross matapos tumayo at tingnan ng masama si Arkhon na mabilis hinabol si Cross ng maglakad ito palabas ng kwarto. Nagkatinginan ang Redtape ng hanggang sa hapagkainan kinukulit ni Arkhon si Cross tungkol sa endearment. "Ayaw mo ng sweety,honey,baby? Fine bukopie,honeypie,sweetypie,tinapay, pamay--- Aray!" Daing ni Arkhon habang hawak ang ulo ng hampasin siya ni Cross gamit ang tinidor. "Arkhon manahimik kana pwede ba? =_=." Inis na saway ni Cross kay Arkhon. Napailing na lang si Haru, dahil sa katotohanan na may label man o wala ang dalawang kaibigan lagi pa din nagbabangayan. "Mamaya na natin pag-usapan yan nagugutom ako." Ani ni Cross ng manahimik nga si Arkhon. "Talaga? Okay magsesearch pa ako ng madami mamaya." Naeexcite na sambit ni Arkhon habang sina Iggy at Chase ay parang tangang patingin-tingin sa dalawa. "Teka kayo na ba talagang dalawa?" Tanong ni Chase na kinatingin ni Arkhon. "Yes kami na!" Nakangiting sambit ni Arkhon matapos hawakan ang kamay ni Cross pataas na agad inagaw ng binata at medyo namumulang umiwas ng tingin. "Ahm sino ang baba--- I mean yung ano---." "Pareho kaming lalaki.=_=" putol ni Cross na kinakamot sa ulo ni Iggy. *riiing* Napatayo si Arkhon at dinampot ang phone nito sa lamesa ng mag-ring yun. "Teka lang." Paalam ni Arkhon bago yun sagutin at maglakad palabas ng dining area. "Kaya pala hindi mo magustuhan si Alica may iba ka pa lang gusto leader." May pang-aasar na sambit ni Iggy. "Hindi ako nagkainteres kahit na kanino." Ani ni Cross habang hinihiwa ang meat at pinaglalaruan ang tinidor na nasa isang kamay. "Cross sigurado kana ba talaga dito? I mean baka nasanay ka lang sa presensya ni Arkhon ... kung ginagawa mo ito para lang hindi mawala si Arkhon sayo, mali na itong ginagawa mo." Ani ni Chase na kinatingin ni Haru. "May point si Chase, hindi ito ang---." "Pano kung sabihin kong seryoso ako kay Arkhon." Putol ni Cross bago iangat ang paningin sa mga kaibigan. "Nung una yeah sinasabi ko yun in romantic way, para hindi ako maiwan ni Arkhon ... kabaliwan yes. Laging utak ang ginagamit ko sa lahat ng pagkakataon, katulad ng nakasanayan ko, ginawa ko yun para kontrolin siya." Bulong ni Cross bago sumandal sa upuan at bored na tumingin sa kinakain. "Minsan na akong naiwan ni Arkhon, naranasan ko mag-isa lalo na ng iwan ako ni mama. Kaya hindi niyo ako masisisi kung nagawa kong paglaruan si Arkhon dati para magstay sa tabi ko." "Pero hindi ka naman iniiwan ni Arkhon kahit alam niya kung anong ginagawa mo, hindi ka nga lang siniseryoso." Sabat ni Haru na kinataas ng labi ng binata. "Yun nga nagustuhan ko sa kanya." Sagot ni Cross na kinaubo ni Chase habang umiinom ng tubig. "Hindi ko naisip dati ang mangyayari kung magtutuloy-tuloy ang ginagawa ko, wala akong pakialam kung magustuhan ako ni Arkhon o hindi ... at mas lalong wala akong pakialam kung may mawala kay Arkhon, masira ang image o makaapekto ito sa ibang tao. Gagawin ko kung anong gusto ko." Ani ni Cross na kinaseryoso ng Redtape. "Hanggang sa isang araw, nagising na lang ako ... nagbago na lang ikot ng mundo ko nang hindi napapansin hindi na ako kuntento sa maliit na mundong ginawa namin dalawa. Gusto ko na siyang makuha, hindi na ako kuntento sa atensyon o basta ko na lang siya makasama at dumating pa sa puntong bumase ako sa kanya na ni sa panaginip hindi ko inaasahan at makita." Bulong ni Cross. "Inlove kana nga." Nakangising sambit ni Percy. "Cheers na tayo diyan." Ani ni Chase matapos itaas ang baso na may lamang tubig. "Cheers." Sabay na sabay na sambit ng Redtape na kinataas ng gilid ng labi ni Cross bago tinaas ang baso. "Then goodluck." Ani ni Haru. --- "Babalik ka ng Campus? Arkhon wag muna ... pwede ka naman yatang sa next week ka na pumas---." "Ayos lang ako Percy." Nakangiting sambit ni Arkhon bago dinampot ang susi ng kotse na nasa lamesa. "Arkhon kagigising mo lang at masyado pang mainit ang issue." Ani ni Iggy na kinangiti ng binata. "Hindi nanaman bigdeal kung anong sasabihin nila sakin at expected ko na din naman na madami ang mangyayaring hindi maganda mula dito." Sagot ni Arkhon. "Ganun ba then hayaan mo akong sumama." Napatingin si Arkhon ng lumabas sa kwarto si Cross. "Cross." Ani ni Arkhon. "Katulad ng sinabi mo haharapin natin yun ng magkasama." Ani ni Cross na kinasapo ni Percy sa noo. "Fine, sasama na din ako." Sabat ni Haru bago nakapamulsahang tumayo na kinatingin nina Iggy. "I'm in." Bored na sagot ni Percy. "Wala naman kaming choice, isang grupo tayo." Ani ni Chase bago tumayo kasabay si Iggy na kinataas ng gilid ng labi ni Haru. -- Matapos bumaba ng Redtape sa kani-kanilang mga kotse nakaagaw agad sila ng pansin lalo na dalawang taong huling lumabas sa sasakyan. 'Ang Redtape.' 'Si Cross at President.' 'Totoo ba ang balitang may relasyon sila?' 'Girl hindi din ako makapaniwala.' Halos lahat ng estudyanteng nadadaanan ng grupo umiiwas at may pagkadisgusto ang mukhang nakatingin sa dalawang taong nasa unahan ng Redtape. "Nakita ko ang kotse ni papa sa labas ng parking lot." Bulong ni Cross. "Nasa labas din yung kay daddy." Sagot ni Arkhon na kinatingin ni Cross. "Arkhon siguradong sasabihin nina Tito na bawiin mo ang mga sinabi mo sa video at---." Napatigil si Cross ng salubungin ng binata ang tingin niya at huminto sa paglalakad. "Wala akong babawiin Cross." Sagot ni Arkhon bago bahagyang ngumiti at lingunin sina Haru na halatang kinakabahan para sa kanila. "Arkhon." Tawag ni Cross pero ngiti lang ang sinagot ng binata bago tumalikod at nagsimula na ulit maglakad. "Isa lang ito sa mga bagay na magagawa ko para makasama mo, at lahat ng ito kaya kong isakiripisyo." Ani ni Arkhon na kinatigil nina Haru at Cross. "Seryoso ba talaga siya?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD