3rd Person's POV;
"Arkhon!" Sigaw nina Iggy ng makitang bumagsak si Arkhon sa gitna mismo ng mga kalaban.
"Banatan niyo!" Sigaw nina Janus ng magdalawang isip ang mga gangster na hampasin ang binata matapos nito bumagsak ng walang dahilan.
"Putangina! Akin na!" Sigaw ni Gary matapos hilahin ang hawak na baseball bat ng isa sa mga nakapalibot kay Arkhon.
"Rise si Arkhon." Ani ni Quinn matapos bigyan ng suntok ang lalaking nasa harapan.
Hahakbang ito palapit sa pwesto nina Arkhon ng pigilan siya ni Rise.
"Nandito na siya." Bulong ni Rise na kinatigil ng Redtape na nasa labas ng gate at kanina pa nagpupumilit pumasok.
"Mukhang nagkakasiyahan kayo diyan, baka pwedeng makisali."
Bored na sambit ni Cross matapos saluhin ang baseball bat na ihahampas ni Gary kay Arkhon na nakadapa sa sahig.
"Ik---ackkk!"
Napaatras ang ilang gangster matapos sipain ni Cross si Gary na tumalsik papunta sa kabilang hallway.
"Gusto niyo ng gulo, pagbibigyan ko kayo." Walang emosyong sambit ni Cross matapos yumuko at dumampot ng isang tubo.
"Ang lumampas sa bilog na ito at tangkain saktan si Arkhon, habang buhay na pagkakatulog ang sintensya ko sa inyo." Balewalang sambit ni Cross matapos gumawa ng bilog at humakbang palapit sa Wildflaws.
"Cross." Nagdidilim ang anyong sambit ni Janus.
"Namatay ang kapatid mo ng may dignidad bilang gangster, ano na lang ang sasabihin ng kapatid mo once na mamatay ka at magkita kayo sa impyerno? Nagsuicide ka?" Pang aasar ni Cross.
"Ang dami mong sinasabi!"
"Anong tinatayo niyo?!" Sigaw ng isa sa mga Wildflaws ng hindi gumalaw ang mga gangster na kinuha nila galing sa ibang grupo.
"Si Cross ang tumalo samin, hindi kayo." Sagot ng isa sa mga gangster bago binitawan ang mga hawak na gamit.
"Umalis na kayo." Bored ma sambit ni Cross sa mga grupong underlings ng mga Sikat at Farell.
"Leader!"
Sigaw ng ilang gangster ng may apat na lalaki ang dumating may mga benda at sugat pero nagawa pang humakbang ng mga ito para salubungin ang mga dating miyembro.
"Putangina niyong lahat!" Sigaw ng isa sa mga kagrupo ni Janus at susugurin ang apat na tao na nasa labas ng gate ng saluhin yun ni Percy at sinikmuraan siya ni Iggy na nasa gilid lang ng gate.
"Hindi nasusukat ang lakas sa dami mga pre." May diing sambit ni Chase matapos hilahin ang lalaki at suntukin.
"Pano yan Janus, tabla na ang laban Redtape at Wildflaws." Nakangising sambit ni Cross matapos tumakbo paalis ang mga gangster at lumapit sa mga leader nila.
--
"May popcorn ka Rise?" Tanong ni Quinn habang nakaupo sa railings at pinanonood ang pagpapatayan ng dalawang grupo.
"Naman." Pangisi-ngising sambit ni Quinn matapos pumagitna sa mga kapatid habang may hawak na popcorn.
"Madaya." Bulong ng binatang si Elliot ng makita si Gary na bumangon at dinampot ang isang tubo.
"Cross!" Sigaw ni Gary na kinatingin ni Cross.
"f**k!" Mura ni Cross ng matumba siya matapos masuntok ni Janus.
"Putangina mo talaga Gary." Nagdidilim ang anyong sambit ni Cross ng makitang kinuwelyuhan ni Gary si Arkhon na walang malay.
"Cross!" Sigaw ni Percy ng hindi nakagalaw si Cross ng paulit-ulit siyang suntukin ni Janus at sipain.
Tatangkain ni Gary isaksak ang hawak na tubo sa leeg ni Arkhon ng bigla na lang itong tumalsik palayo at mabitawan si Arkhon.
"H-Haru." Ani ni Iggy ng makita ang binata na naglalakad palapit kay Gary.
"Argh!" Sigaw ni Janus ng saluhin ni Cross ang kamao ng binata at baliin yun.
"Hindi kami kasing bayolente ng iniisip niyo kung wala kayong inaargabyado sa grupo." Ani ni Haru bago malakas na suntukin si Gary ng tangkain ulit nito sugudin ang binata.
Matapos ang laban napaupo ang Redtape sa sahig habang si Cross naman ay nakatayo at nakatingin sa Wildflaws na nagkalat sa sahig.
"Cross." Ani ni Haru ng makitang humakbang ang lalaki palapit sa pwesto ni Arkhon.
Hanggang sa---."
"Cross!" Sigaw ni Haru na kinatayo nina Percy ng bumagsak si Cross sa tabi ni Arkhon.
"Kumilos na kayo padating na ang mga estudyante." Ani nina Elliot mula sa itaas ng magdilim ang field matapos ang video.
--
Napangiwi si Haru at Percy ng tingnan sila ng masama ni Chase at Iggy matapos nila lumabas ng kwarto kung saan nagpapahinga sina Arkhon at Cross.
"Kailan niyo pa alam?" Seryosong tanong ni Iggy.
"Hindi naman bigdeal yun diba? Leader---."
"Anong hindi bigdeal?! Nakita mo ba ang ginawa nina Cross at Arkhon sa mga buhay nila?" Bulyaw ni Chase kay Percy.
"Muntikan ng mamatay si Cross, sinakripisyo niya ang grupo para lang iligtas si Arkhon." May diin na sambit ni Iggy.
"Tama na Iggy." Ani ni Chase habang hinihilot ang sintido niya.
"Kaibigan, boyfriend o bestfriend man ni Cross si Arkhon, alam naman natin na kahit bulyawan at bugbugin natin si leader uulit pa din yan, besides hindi naman talaga bigdeal kung babae o lalaki ang gusto ni Cross." Ani ni Chase.
"Nagulat din kami nung una pero si Cross ay si Cross, siya pa din ang putanginang leader natin na walang pakialam sa mundo." Ani ni Percy bago tingnan si Iggy na naiinis na umupo sa sofa.
"Iggy tanggap mo ba?" Tanong ni Haru na kinagusot ng mukha ni Iggy.
"Hindi." Ani ni Iggy na kinatingin nina Chase.
"Hindi ko matatanggap na mali ang hinala ko na may gusto si Arkhon kay Alica!" Sigaw ni Iggy na muntikan ng ikatumba nina Chase sa kinauupuan.
"Putangina.=_="
"Wala naman akong pakialam kung babae o lalaki nagugustuhan ni Leader pero sana lang handa sila sa lahat ng mangyayari pag gising nila." Ani ni Iggy na kinatahimik ng tatlong lalaki.
Lumipas ang dalawang araw hindi na maiwasang mag alala ng Redtape nang hindi pa nagigising sina Arkhon at Cross.
"Tawagan na natin si Tita Cherry Haru." Nag-aalalang sambit ni Percy habang nakatingin sa dalawang lalaki na nasa kama.
Hindi sumagot si Haru kaya lalabas si Percy ng kwarto nang---.
"Cross." Ani ni Haru matapos nito tumayo ng ayos mula sa pagkakasadal sa pader at lumapit kay Cross.
"H-Haru si Arkhon." Bulong ni Cross na kinangiti ni Haru.
"Nasa tabi mo siya natutulog." Sagot ni Cross na kinatingin nito sa kabilang bahagi ng kama.
"Dalawang araw na kayong tulog ... mukhang pareho lang naman kayong pagod ni Arkhon kaya hindi na namin kayo dinala sa ospital." Ani ni Haru habang tinutulungan si Cross na bumangon.
"Cross inumin mo ito pampalinis ng dugo." Ani ni Iggy matapos mag-abot ng isang basong tubig.
"May tinunaw ako na gamot diyan kaya medyo magiiba ang lasa." Dagdag ng binata habang iniinom yun ng lalaki.
"Hmm." Ungol ni Arkhon na kinatingin nina Chase.
"I-Iggy." Bulong ni Arkhon ng makita niya ang binata sa paanan ng kama.
"Tatawagan ko na dapat si Tita Cherry kung hindi pa kayo nagising." Ani ni Percy bago tingnan sina Haru.
"May pupuntahan pa pala kami." Ani ni Haru.
"Ha? Saan tayo pupunta?" Tanong ni Iggy.
"Mag gogrocery tayo diba?" Sagot ni Percy bago inakbayan si Iggy.
"Puno ang--- asfhghjyg."
"Maiwan muna namin kayo." Pangisi-ngising sambit ni Percy habang tinatakpan ang bibig ni Iggy at hilahin palabas.
Nang makaalis ang apat pinilit bumangon ni Arkhon mula sa pagkakahiga sa kama.
"Masyado silang halata." Bulong ni Arkhon bago lingunin si Cross na nakatingin kung saan.
"Okay kana ba?" Medyo paos na tanong ni Arkhon habang nakatingin sa binata.
Hindi sumagot si Cross kaya gumapang palapit si Arkhon palapit sa lalaki at hinawakan ang magkabilang balikat ng binata bago hinarap sa kanya.
"Tinatanong kita kung ayos ka lang." Ani ni Arkhon na kinayuko ni Cross.
"Cross!" Sigaw ni Arkhon.
"A-Ayoko na A-Arkhon tigilan na natin ito layuan mo na ako." Bulong ni Cross na kinatigil ni Arkhon.
"Si alica lahat sila, ginamit nila ak---."
"Then?" Putol ni Arkhon na kinaangat ng tingin ni Cross.
"Ang dami ko ng sinakripisyo Cross ngayon pa ba ako susuko? Lalayuan ka dahil lang sa mga bagay na tapos na?" Dagdag ng binata.
"Wala akong pakialam Cross, hindi ko na alam kung anong mangyayari mula dito basta ang alam ko lang gusto kita makasama. Manatili sa tabi mo at gumawa ng sarili nating mundo kasama ka."