3rd Person's POV;
"Anong camera?!" Sigaw ng binatang si Janus matapos hampasin ang lamesa.
"Boss nakita ko may inabot na camera si Arkhon kay Haru matapos nun biglang nawala si Haru sa paningin namin."
"Imposible yang sinasabi mo, kung ano man yun siguradong isa lang yun sa patibong ni Arkhon."
"Mukhang nakikipaglaro sa atin ang president ng C-lite." Nag gigitgit na sambit ni Janus ng---.
"Hindi gumagana ang camera." Ani ni Gary na kinatingin ng Wildflaws.
"Patingin nga." Ani ng isa sa mga miyembro ng wildflaws bago kinuha ang camera at pilit na binuksan.
"Janus." Ani ni Seb ng sipain ni Janus ang lamesa na nasa harapan.
"Tawagin niyo si Cross may ipapagawa tayo." Nagdidilim ang anyong sambit ni Janus.
"Magsisisi ka sa pangingialam mo Arkhon." Nakangising sambit ni Janus ng makita si Cross na pumasok sa kwarto.
"Puntahan mo si Arkhon." Utos ni Janus.
Hindi nagbago ang expression ni Cross na mas kinangisi ng binata.
---
"Wala sa sarili si Cross, nababaliw na ba si Arkhon?" Hindi makapaniwalang sambit ni Percy.
Matapos sabihin ni Arkhon ang lahat ng plano niya sa Redtape.
"Atleast alam na natin na wala sa sarili si Cross." Ani ni Iggy.
"Hindi ko alam kung anong plano nina Haru pero hindi maganda ang kutob ko dito." Ani ni Chase habang nakatingin sa isang monitor.
Kung saan nakikita nila si Arkhon at Cross na nasa loob ng apartment.
"Anong ginagawa mo dito Cross?" Tanong ni Arkhon matapos ibaba ang mga gamit niya sa sofa.
"Masama bang bumalik ako sa apartment ko?" Kalmadong tanong ni Cross matapos ilibot ang paningin sa buong lugar.
"Yeah lalo na kung ayaw mo naman talagang nandito." Sagot ni Arkhon na kinatigil ni Cross.
"Alam mo ba kung pano nabuwag ang Redtape dahil sayo?" Ani ni Arkhon.
"Pinagpalit mo ang ilang taon mo ng kagrupo sa mga taong wala mo pang isang buwan na kilala." Dagdag ni Arkhon na kinadilim ng anyo ni Cross.
"Kung ano mang ginawa ko wala ka ng pake dun." Sagot ni Cross bago bahagyang niluwagan ang suot nitong necktie at humakbang palapit sa binata.
"Mahal mo ba ako Arkhon?" Tanong ni Cross na kinabago ng expression ng binata.
"Tulungan mo ako Arkhon, nahihirapan na ako ... kailangan kita." Bulong ni Cross matapos yakapin sa bewang si Arkhon at pasadahan ng halik ang labi ng lalaki.
*cough!* sunod sunod ang pag-ubo ni Iggy ng makita niya sa monitor ang paghalik ni Cross kay Arkhon at pagiging agresibo nito na hubarin ang suot ng binata.
"f**k!" Mura ni Chase ng paglabas niya ng kusina nabitawan nito ang hawak na baso ng makita niya sa monitor ang ginagawa ni Cross.
"What the heck is that!" Ani ni Chase bago lumapit sa monitor.
"Si Cross ba yan?" Nanlalaki ang matang tanong ni Chase.
Hanggang sa---."
"Creed." Ani ni Percy ng pumasok sa pinto ang magkapatid na Dela Cruz at lumapit sa monitor.
May ilang kinulikot si Cohen sa monitor habang si Creed naman ay umupo sa sofa at binuksan ang dala nitong laptop.
"Redtape lumabas na kayo dito sa apatment kailangan kayo sa Campus." Utos ni Cohen na kinatingin ni Percy.
"Anong kailangan---."
"Bukas ang huling araw ng Sportfest, siguradong may hindi gagawin na maganda ang grupo ni Janus once na masira namin ni Creed ang system na mag aactivate sa bomba na nasa opisina ni Arkhon."
"Bomba?!" Ulit ni Iggy matapos magising ito mula sa pagkatulala sa ginagawa nina Cross at Arkhon sa monitor.
"Wala ng oras Redtape umalis na kayo." Utos ni Creed habang busy ito sa pagtipa sa laptop na kinatakbo ng tatlo palabas.
Haru Vandatt's POV;
"Ang tahimik." Bulong ko habang naglalakad sa hallway pababa ng opisina dala ang laptop na pag mamay-ari ni Arkhon.
Hanggang ngayon hindi ako makapaniwalang makakaisip ng ganitong paraan si Arkhon ni hindi man lang nito inisip ang posisyon niya bilang President at buhay niya para kay Cross.
"Okay na ba ang lahat?"
Napatigil ako ng makita ko ang triplets sa ibaba ng ikalawang palapag.
Nakangisi ang mga ito bago hinagis ni El ang flashdrive na agad ko namang nasalo.
"Simulan mo na ang palabas, naiinip na ang mga manonood." Ani ni Rise bago tumalikod na sinundan ni Quinn.
Arkhon Asuncion's POV;
"Hindi ko alam kung sira na ba ang ulo mo o kulang ka lang talaga sa turnilyo."
"Masyado ng huli ang sermon mo Val, nagawa ko na." Natatawang sambit ko matapos kong dahan-dahan ibaba si Cross at isandal sa katawan ng puno. Hindi kalayuan sa field na nasa madilim na parte ng campus.
"Arkhon pwede pa natin ayusin ito, naligtas mo na si Cross pwede---."
"Nakapagdesisyon na ako Val kung ano man mangyari sa hinaharap, may balikan man ako o wala pagkatapos nito ... wala na akong pakialam." Bulong ni Arkhon bago tumayo at tumingin sa field kung nasaan lahat ng estudyante.
"Sana bago magsimula ang palabas mapanood ni Cross ang regalo ko para sa kanya." Ani ko na kinailing ni Dreame.
"Meron tayong 45 minutes bago matapos ang palabas." Dagdag ko bago tumalikod at humakbang paalis.
'Sorry Cross, tanggapin mo man ito o hindi ang mahalaga naranasan ko magpakatotoo, nakagawa ako ng paraan para hindi tuluyang mabuwag ang C-lite, nailigtas kita at the same time maipakita kong kaya ko, kaya din kitang ipaglaban at dedmahin ang sasabihin ng iba makasama ka lang.'
---
"Hindi ko iniexpect abg huling taong iniisip ko na mangingialam sa mga plano ko siya pa ang magbibigay sakin ng problema." Ani ni Janus matapos makapasok sa gate kasunod ang apat na grupo ng gangster.
Lahat sila may hawak na tubo, kadena at baseball bat ... marunong ako ng self defence yeah, kahit papaano magkakaroon ako ng laban sa mga ito pero kung ako lang mag-isa ... malabo.
"Isa laban sa inyong lahat? Mukhang magandang laban ito."
Napatingin ako sa Triplets ng lumabas ang mga ito sa building ng engineering department.
"Wag niyong sabihin na mangingialam din kayo?" Natatawang sambit ni Janus ng makita ang tatlo.
"Actually hindi naman dapat, pero nagbago na isip namin. Ang laban na ganito sa Farell, Sillius at C-lite lang dahil hindi ganun kasaya manood ng laban kung ang mabababang uri lang ng mga gangster na tulad niyo ang tatapos sa president ng C-lite." Sabat ni Rise na kinadilim ng anyo ni Janus.
"Ano titingnan niyo na lang kami ng masama, sugod." Hamon ni Quinn dahilan para humakbang ako paatras ng sugurin kami ng mga gangster na kasama ni Janus.
Kampante naman akong walang makakakita at makakarinig samin dahil lahat ng mga bisita at estudyante nasa field.
"f**k!" Mura ko matapos kong mapaluhod ng may humampas sa likod ko.
Hahampasin ako ulit ng mga lalaking nasa magkabilang gilid ko ng mabilis akong umiwas at pinag-untog silang dalawa bago sinipa.
Ilang araw na akong walang maayos na tulog at kung minamalas ka naman, ngayon pa ako nakaramdam ng sobrang pagod at antok.
3rd Person's POV;
Napaungol ang binata ng makaramdam siya ng kirot sa batok at sobrang pagkahilo.
'Ano bang klase itong kapangyarihan,
Binabalot ako at ginagawang sunod-sunuran.'
Napatigil ang binata at napaangat ng tingin ng makarinig siya ng kanta, at ang pamilyar na tugtog na siya mismo ang gumawa.
"Sa boses mo ako ay dinuduyan
Sa musika na iyong ginawa nagsilbi akong tauhan~."
"A-Arkhon." Bulong ni Cross ng makita ang mga video at na pinalalabas sa malaking screen.
"Hindi ko alam kung anong nararamdaman
Hindi ko maintindihan pero gusto kitang mahalikan"
"A-Arkhon." Ulit ng binata hanggang sa namalayan na lang nito ang sunod-sunod na pagbagsak ng luha ng lalaki.
"Mali sa paningin ng iba
Pero mahal kita, nais na ikaw ang makasama!
Nais na mahagkan, nais makasama."
Napahawak sa dibdib ang binata ng makita sa last video ang pagtugtog ni Arkhon kasama ang Triplets at ang magkapatid na Dela Cruz.
"G-Ginawa n-niya yung kanta."